Chapter Twenty Six

7.9K 316 39
                                    

"How's the hostage?" Bungad niya kay Magnus ng pumasok siya sa library. Nakaupo ito at binubusisi ang mga folder na nasa ibabaw ng lamesa. Nag-inat ito at saka tumingin sa kanya.

"Already confessed. Inaayos ko na lang ang mga ebidensiyang nakalap namin ni Mason. Next step will be determined by the client once we give these files to him." Anito sa mga folder sa mesa.

"So basically our job here is done?"

"Basically, yes."

Nakahinga siya ng maluwag. "That's good news then."

"Yeah. And I really do need a long vacation after this mission." Magnus said.

"Me too.." She can't wait to be with Chase again.. "What are we waiting for then? Eh di kausapin na natin si kamahalan."

Umangat ang isang kilay ni Magnus.

"Kamahalan?" He said. "That sounds like a bloody endearment."

Awang ang bibig na napatingin siya dito.

"Damn.. kung hindi lang kita kilala, iisipin kong you and our client have a thing already." Sabi pa nito.

She looked at him, appalled.

"Thing? C'mon, Magnus.. Huwag kang magpatawa." She scoffed.

"I'm not even kidding." Magnus chuckled.

Tinitigan niya ito ng masama. "Well you better be dahil ayoko ng mga ganyang biro."

Prente itong sumandal sa upuan. "Ano bang ayaw mo dun? Gwapo naman ah. Mayaman pa."

"Am I a beggar?"

"Hindi. But he's got a nice physique though, don't you think?"

"Bakit ako ang tinatanong mo?" Asik niya dito.

"Dahil ikaw lang naman ang nakakita na sa katawan niya." Isang nanunuksong tingin ang ibinigay nito sa kanya pagkatapos. "Aminin mo, nagustuhan mo ang nakita mo ano?"

Sukat sa sinabi nito ay agad nag-init ang magkabilang pisngi niya. Magnus laughed outloud when he saw it. The jerk!

"God, you're attracted to his body!" He exclaimed.

"Of course not!" Mabilis na agap niya.

Pero tuloy lang sa paghalakhak ang loko.

"Oh common, hindi ka naman nag-blush ng ganyan ng makita mo kaming hubo't hubad na naliligo sa kampo ah. Eh ba't ngayon pagdating sa kamahalan 'mo', bigla ka na lang namumula ng ganyan diyan?"

Natameme siya. Wait, nag-bu-blush ba siya? Sinapo niya ang magkabilang pisngi. Hindi naman, di ba?

Seeing the confusion on her face, Magnus just laughed outloud.

"I knew—

Naputol ang kung ano mang sasabihin nito ng biglang bumukas ang pinto.

"Ang hostage!" Hangos na bungad ni Mason sa kanila.

Napatingin siya dito. "What?"

"Yung hostage, wala sa dungeon!"

Mabilis na tumayo si Magnus. Siya naman ay dumiretso na din ng tayo.

"Ang kliyente!" Mariing wika ni Magnus sa kanila.

Pagkarinig niyon, mabilis niyang tinungo ang pinto at tinahak ang daan papunta sa kwarto ni kamahalan. Naningkit ang mga mata niya ng makitang naka-awang ang pinto nito. Mabilis niyang inilabas ang baril at mahigpit na hinawakan iyon bago dahan-dahang binuksan ng tuluyan ang pinto. Pagkapasok, mabilis niyang iginala ang paningin sa paligid. Chineck din niya ang walk in closet.

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon