"Malapit na. Naririnig ko na." Mahinahong bulong ni Darim na halos hindi na marinig.
Itinaas niya ang kamay niya at itinutok ito sa makapal na hamog, hawak hawak niya ang kutsilyo na ihahagis niya sa oras na lumabas mula sa makapal na hamog ang ibon.
"Tatlo. Dalawa. . ."
Pinosisyon ko na rin ang kutsilyong hawak ko habang nagbibilang siya. Nanginginig ang mga kamay ko, maging ang aking mga paa. Ginagawa na namin 'to noon pa man, ang pangangaso para lamang mabuhay. Sanay na kami rito. Ngunit ibang kwento ang isang ito. Ang biktimang ito ay hindi mamamatay para punu-in ang kumakalam naming mga sikmura. Ang ibon na ito ay ang pangalawa sa huling sangkap ng medicamentum. Ito ang tawag sa ano mang pangontra sa mga spells at curse o mas kilala sa tawag na execratio. Ang mailap na ibon na ito ay kilala sa tawag na felux, nagpapakita lamang ito isang beses sa isang taon at hindi na ako makakapag-antay sa isa pang taon kaya dapat na mahuli ito ngayon.
"Isa." Agad na hinagis ni Darim ang pana nang makita niya ang anino ng ibon sa likod ng hamog at nang makarinig ng tunong mula sa ibon. As expected, naiwasan ito ng ibon dahilan para umatras ito ng lipad sa kanan at ito na ang hudyat para ihagis ko ang kutsilyo.
Isang malakas na hiyaw ang umalingawngaw ang naghari sa buong kagubatan na nagmula sa ibon. Ang pag-iyak nito ay nangdulot sa amin ng saya. Agad naming nilapitan ang ibon nang makita namin na nalaglag ito sa lupa. Dahil sa bigat ng kutsilyo, hindi na nito nakayang lumipad papalayo para sana mailigtas pa niya ang sarili niya.
Pakiramdam ko ang puso ko ay may sariling pakpak at lumilipad ito sa saya. Ilang hakbang na lang at p'wede ko nang gampanan ang pagiging bayani sa bayan ko, ang nawawalang Incanta—mali! Hindi nawala ang Incanta, dahil ito ay kinalimutan. Napa-isip tuloy ako kung may nakakaalala pa ba sa Incanta? Ang bayan ng mga pantas, ng mga matatalinong tao. Ang mga mamamayan ng Incanta ang nakatuklas sa mga bagay-bagay na naging dahilan para umusbong ang ekonomiya ng karatig bayan nito. Siguro naman ay naaalala pa ng mga matatanda ang Incanta, pero papaano ang mga bata? Kahit minsan ba nabitawan man lang ito sa kanila?
"Ano ang iniisip mo?" Pagbasag ni Darim sa katahimikan na namamayani. Sa balikat niya ay buhat buhat niya ang usa na uulamin namin mamayang gabi at bukas ng umaga at bukas ng hapon at bukas ng gabi ulit. Masyado kaming maswerte ngayong araw para makahuli ng usa. May mga pagkakataon na pinaghahatian lamang naming lima ang dalawang piraso ng isda na pinaresan ng sabaw na nagkaroon lamang ng lasa dahil sa mga halamang ligaw na nakukuha sa tuktok ng puno. Any leaves that can be found at the summit of trees are edible, while those that can be found on the ground are questionable.
"Ano kaya ang mangyayari kapag matapos ang lahat ng ito? Kung makapasok ako doon..."
"Huwag kang mag-alala Deby, kaya mo lahat. Nag-iisip ka bago ka gumawa ng hakbang at advantage mo 'yon."
And'yan nanaman ang mga ngiti niya. Para ko ng nakakatandang kapatid si Darim, hindi dahil literal na mas matanda siya sa akin. Kundi dahil nand'yan siya parati para suportahan ako, pasayahin ako, at para protektahan ako. Sila nina Nana Melova, Satin, at Sahara ang aking pamilya. Kahit halos napabayaan na kami ni Nana Melova nang mamatay ang anak niya, nilamon siya nang kalungkutan na para siyang patay na naglalakad. Si Darim lang ang tumatawag sa akin na Deby, ayon kasi sa kanya ay masyadong mahaba ang Deborah at masyadong maikli ang Deb. Ayaw niyang tawagin akong Debo or Borah, ang pangit daw sa pandinig. At ayoko rin na matawag ng gano'n. Isa pa, para sa kanya ang cute ng Deby.
"Bakit ka ngumingiti?" Nagtatakang tanong niya. Ngumiti lang lalo ako sa kanya. Napa-isip tuloy ako kung aware ba siya na madalas ko siyang iniisip? Hindi dahil sa may gusto ako sa kanya, at hindi ako magakagusto sa kanya. Yun ay dahil siya ang kuya ko.
BINABASA MO ANG
Deborah: The Witch of Incanta
FantasyThe story is all about a Witch who will save her lost homeland from permanent oblivion because of the wicked wizard who ruled the kingdom of Majestas. Witches and warlocks were considered as an imaginary ugly creatures who were only made to frighten...