Cαριτυlυm XXXV: Lone Warrior

120 10 3
                                    

Nakatingin lamang ako sa baso ng alak na nakapatong sa itaas ng mesa sa harapan ko. Pinagmasdan kong maiigi ang maliliit na bula na namumuo mula rito. Kung titignan, kalmado naman ang alak, pero kung titignan mo nang mas maiigi, doon mo makikita ang kulo niya. Napatingin ako sa malayo, Caylus, ano yung kulo mo?

Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi ko pa rin maiwaksi sa utak ko si Caylus. Ang bilis niyang nawala kanina. Tumalikod lang ako, pagkalingon ko ay wala na siya. Kasalukuyan akong nakaupo mag-isa dito sa pabilog na mesa. Lutang ang utak ko sa mga nangyari. Pagkatapos ng sayawan, isang matinding sakit sa ulo na problema ang haharapin ko.

Si Caylus, humihingi siya ng tulong. Pero bakit?

"Akin na 'to." Sabay kuha sa baso ng alak na nasa harapan ko. Ito na naman ang epal na si Agathon. Tumingin ako sa malayo at iniwasan na pasadahan siya ng tingin ko. Marami pa akong kailangang isipin ngayon kaysa sa ang makasagupa ang taong 'to. Ramdam ko ang paghila niya sa upuan malapit sa akin at umupo doon. Napairap pa ko nang padabog niyang pinatong amg baso sa mesa.

"Hindi ka ba talaga marunong magpasalamat?"

Sa pagkakataong ito, nakuha ni Agathon ang buong atensyon ko. "Bakit naman ako magpapasalamat?"

Huminga siya nang malalim bago magsalita, "niligtas kita kanina."

Muli siyang lumagok ng alak sa baso niya bago no'n ay narinig ko pa siyang bumulong, "tanga talaga. Niligtas kana nga hindi mo pa rin alam."

"Hindi ko kailangang iligtas mo 'ko." Sabay taas ko ng isang kilay sa kaniya.

Oo, magsisinungaling ako. Ayaw kong dagdagan ang yabang ng taong 'to. Baka kapag magpasalamat ako sa kaniya eh lumipad na siya sa himpapawid kahit hindi siya nakasakay sa walis sa sobrang puno ng hangin ang ulo niya.

"Pambihira! Anong klaseng babae ka ba?" muling bulong niya habang sunod-sunod ang pag-inom sa inumin niya at nakatingin sa ibang direksyon.

"'Di mo ba alam na dahil sa 'yo eh iniwasan ko ang ibang babae?" mahinang usal niya habang nakatingin sa malayo.

Sa hindi malamang dahilan, tumibok ng malakas ang puso ko. Hindi ko alam kung sinasadya niyang iparinig sa akin iyon o talagang matalas lang ang pandinig ko. Parang napako ang tingin ko sa kaniya na kahit anong subok kong tumingin sa ibang direksyon eh hindi ko magawa.

Maya-maya pa ay nagtama ang aming mga mata.

"Ano?" masungit na usal niya habang pinipilit magalit ng kaniyang berdeng mata.

"W-wala."

"Tsk." Muli siyang lumagok sa inumin niya at tumingin sa mga nagsasayawan sa gitna.

"Ah. Pahingi..." Akmang kukuha ako ng baso ng alak na bitbit ng lalaking dumaan nang may nauna sa aking kumuha nito.

"Akin na 'to. Tanga ka na nga, ang bagal mo pa." Sa pagkakataong ito, sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya dahil muli niya na naman akong pinagmukhang mahina.

Kalma, Deborah. Kaonting pagtitimpi pa sa lalaking 'yan.

Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid at muli akong nakahagilap ng lalaking may dalang mga baso ng alak. Tumayo ako at lumapit doon para kumuha ng isang baso nang biglang lumutang sa hangin ang mga alak at lumipad ito papunta sa direksyon ng isang mayabang na lalaki.

"Salamat!" Nakangising usal niya habang hawak-hawak ang isang baso ng alak sa kamay niya. Itinaas pa niya ito ng bahagya bago tuluyang ilapat sa labi niya.

"Agathon." Pumasok ang isang malanding boses ng babae sa eksena at umupo ito sa upuan katabi ni Agathon.

"Kamusta?"

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon