Cαριτυlυm III: Majestas

123 26 5
                                    

I slid my hand inside the gigantic hedge which is believed to be the portal, at para bang may enerhiyang humigop sa akin papasok.

Binalot ng puti ang paligid. Sobrang nakakasakit sa ulo. Nahihilo ako, naghanap ako nang mahahawakan pero wala. Pilit akong sumisigaw pero wala akong boses. Hanggang sa bigla na lang akong natumba sa lupa.

Ilang minuto mula sa pagkabagsak ko, inangat ko ang aking ulo para tignan ang paligid. Napakalabo nang nakikita ko at parang nagdadalawa pa ang paningin ko.

"Green... Blue... Brown..."

Bigla akong napatayo nang mapagtanto ko na nakakakita ako ng kulay mula sa puting paligid kanina.

"Green, mga puno. Blue, ang kalangitan. Brown, mga kahoy!" Masayang usal ko.

Isang malaking gusali ang tumambad sa akin. Makaluma ngunit maganda ang disenyo nito.

'Nasa loob na ako!'

Dali-dali kong inayos ang sarili ko at pinagmasdan ng mabuti ang paligid.

"Haist!! Naiinis na ako sa mga lapastangan na 'yon!" usal ng isang pusang kulay brown na may kagat-kagat na stick na may kakaibang disenyo.

"Exatio Pendulum!" dagdag ng pusa at lumiwanag ang kabilang dulo ng stick, nanlaki ang mata ko nang bigla siyang nag-transform bilang tao. Isang babae, nakasuot siya ng sumbrero na may patatsulok ang tuktok at normal na naglakad palayo na parang walang nangyari; na para bang hindi siya nag-transform sa harap ko.

"C-Casper, halika rito," pagtawag ko sa kanya nang hindi lumilingon kasi nanatili akong nakatulala sa mga bagay-bagay sa paligid.

Pero hindi ko naramdaman o narinig ang paglagaspas ng pakpak ni Casper, sa halip ay isang itim na pusa ang lumapit at dinilaan ang paa ko. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"Casper!" Agad ko siyang pinulot at niyakap. "Bumalik kana sa dati!"

"Pero teka, nalilito ako ngayon sa nasa paligid," usal ko habang salubong ang kilay.

Marami na ang nagbago. Lahat sila ay nakasuot ng sumbrero na tatsulok. Ang iba ay may disenyo pa na bituin o 'di kaya ay buwan at iba-iba ang kulay ng mga ito. Halos lahat din ay may bitbit na stick kagaya ng sa babae kanina.

"Para saan ang stick?" Natanong ko na lang sa sarili.

Pinulot ko ang mga gamit ko sa lupa at nag-umpisa nang maglakad habang buhat buhat si Casper. Mabagal ang bawat hakbang ko dahil inoobserbahan ko pa ang paligid.

"Hahaha! Ang galing!" masayang sigaw ng isang babae nang bumuga ng apoy ang lalaking kasama niya.

"Kaya mo ba 'to?" usal ng isang lalaki. Itinaas niya ang stick niya at parang may sinambit siya base sa kilos ng labi niya at itinutok niya ang stick sa paa niya. Nagliwanag ang dulo ng stick kagaya ng sa babae kanina at bigla na lang humaba nang napakahaba ang paa ng lalaki na halos mas mataas na ito kaysa sa palasyo.

"Tabi ka!!"

Nagulat ako sa boses na sumigaw paglingon ko ay may babaeng nakasakay sa walis, mabilis ang byahe nito at papunta siya sa direksyon ko kaya agad akong tumagilid at dumaan sa harap ko ang babae.

"Casper..." yun na lang ang naibulong ko dahil sa pagkamangha.

Makalipas ang ilang taon, nakakita ako ng ibang tao. Hindi berde ang kulay ng balat mula ulo hanggang paa, walang warts sa mukha; matangos ngunit hindi malalaki ang ilong, nakakaakit ang mga mata; maganda ang mga ngipin. Makalipas ng ilang taon, parang naging normal ulit ako.

"Ouch!"

"Pasensya na!" mabilis na usal ko at nilingon ang babaeng natamaan ko habang naglalakad ako patalikod.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon