Cαριτυlυm VI: Wand's White Light

105 23 23
                                    


Pagkalabas ko ng library, ang plano ko sana ay bumalik ng kwarto at buksan itong mga libro. Pero mukhang hindi muna mangyayari iyon sa ngayon kasi naharang ako ng isang lalaki.

"Saan ka galing? Oras ng klase ngayon ah!" pagsinghal niya sa akin habang nakataas ang isang kilay. Direktang nakatingin sa akin ang kanyang luntiang mata na kakulay ng mga dahon.

"Galing ako sa library," sagot ko at tinuro ng bahagya ang pinagmulan ko.

Nagtago si Casper sa likod ko at pilit ko namang isinasara ang paa ko para hindi siya makita.

"Alam mo naman sigurong bawal gumala kapag oras ng klase, diba?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko naman kasi alam na ganoon pala.

"Agathon,"

Napalingon kami sa lalaking tumawag sa lalaking nasa harap ko. Seryoso ang mukha niya at puno ng awtoridad ang boses niya. Makikita mo rin sa tindig at lakad niya na napaka-strikto niya.

"Anong problema?" tanong niya nang makarating sa tabi nu'ng Agathon.

"Nahuli ko ang babaeng 'to Caylus--"

"Galing po akong library." Pinutol ko ang sasabihin ng Agathon. Dahil do'n ay tumaas naman ang kilay nito sa akin at pinandilatan ako ng mata.

"Ako ang kinakusap, hindi ikaw. 'Wag kang bastos. Alam mo ba, anak ng hari ito..." Tinuro niya ang lalaking kakarating lang. "At ako naman ang anak ng kanang kamay ng hari. Kaunting respeto naman."

Napairap ako sa dami ng sinabi niya. Parang pinagmayabang lang niya sa akin na anak siya ng kanang kamay ng hari.

"Bumalik na kayo sa mga silid niyo," usal ng Caylus.

Nauna na akong naglakad at iniwan na sila. Kasunod ko naman si Casper. Hindi ko siya mahawakan kasi may bitbit akong mga libro.

"Agathon, akala mo ba hindi ko alam kung bakit ka nandito?"

"Ano? Nag-cr lang ako!"

"Nag-Cr? Nakita kita kanina may kalampungan ka nanaman. Agathon, ilagay mo 'yan sa tamang lugar."

Narinig ko ang pagtatalo ng dalawa bago ako tuluyang makababa sa hagdan. Habang pababa sa hagdan ay pinilit kong makuha ang kopya ng schedule ng klase sa bag ko sa kabila ng mga bitbit kong gamit. Pagdating ko sa sunod na palapag ay may nakita akong orasan at nang tignan ko ang schedule nakita ko rin agad. Hindi na ako nagdalawang isip pang hanapin sa mapa ang classroom ko ngayon. Naligaw pa ako sandali pero agad ko ring nakita.

Dinala ang mga paa ko sa tapat ng nakasaradong pinto. Walang mababatid na ingay sa paligid kaya sobrang nakakabingi ang katahimikan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang maramdamang kinakalmot ni Casper ang paa ko. Paglingon ko sa kanya ay umupo siya at parang may sinasabi sa akin ang mga mata niya. Nababahala siya.

"Okay, Casper. Bumalik kana muna doon sa kwarto natin. Hindi natin alam kung anong gagawin sayo ng mga nandito sa loob." Kinalmot ko ang ulo niya para mapanatag siya. Nararamdaman ko ang takot niya baka hindi p'wede ang hayop sa loob ng classroom.

Pinagmasdan ko si Casper habang tumatakbo siya palayo. Nang mawala siya sa paningin ko, hinarap ko na ulit ang pinto. Kinakabahan din ako, makalipas ng ilang taon ngayon lang ulit ako makakapasok sa klase. Huminga muna ako ng malalim bago kinatok ang pinto. Matapos ko itong katukin ay mabagal ko itong binuksan.

Nakatulala ang lahat ng tao sa loob, nakatingin sa akin. Ang iba ay nasa itaas ng upuan. Mayroong babaeng nakahiga sa sahig at ang isang babae ay nakapatong sa kanya na para bang nag-aaway sila. Ang iba ay nakasakay sa walis habang nakalutang sa ere. Kagaya ng sinabi ko kanina, nakatulala at nakatingin lahat sila sa akin. Parang natigil ang kanilang ginagawa dahil sa pagpasok ko.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon