Cαριτυlυm XXIV: Jealousy and Prophesy

97 18 2
                                    

"Kayo bang dalawa, seryoso ba kayo?" tanong ni Agoth habang naglalakad kami sa gitna ng maingay na kalye. Tumango at ngumiti si Caylus habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

"Seryoso tayo, 'di ba?" tanong ni Caylus na ginantihan ko na lang ng ngiti. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa mga ugat ko papunta sa puso ko dahilan para kumabog na naman ito ng malakas.

Hindi ko alam pero may kakaiba sa nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari... hindi ko alam at hindi ako sigurado.

'Bakit biglaan? Bakit biglang nagkaganoon si Caylus?'

Nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad kami sa daan, nakangiti naman siya habang inaasar siya ni Agoth. Mayamaya pa ay itinapon niya sa akin ang pares ng asul at misteryoso niyang mata at nginitian niya ako. Iniwas ko na lamang ang tingin ko.

"Seryoso ba kayo sa naging desisyon niyo? Hindi kaya nabibigla lang kayo?" pagsingit ni Agathon. "Hindi niyo ba alam na mahirap ang pumasok sa isang seryosong relasyon at mas lalong mahihirapan kayo kapag lumabas kayo---"

"Sino ba may sabing lalabas kami, Agathon?" tanong ni Caylus.

"W-wala naman... pero kasi sana pinag-isipan niyo muna! Hindi 'yan isang pitik lang ng wand niyo maayos niyo na agad ang sira sa relasyon niyo. Walang spell na kayang umayos ng sirang relasyon, Caylus. Baka nabibigla lang kayo. 'Wag kayong magpapadala sa bugso ng damdamin niyo.

"Alam niyo ba ang kasabihan na ''wag kang magdedesisyon kung nasa tuktok pa ang iyong emosyon'? Ang ibig sabihin no'n, pakalmahin niyo muna ang sarili niyo bago kayo gumawa ng hakbang. Caylus, marami ka pang kailangang pagtuunan ng pansin bilang tagapagmana.

"Tsaka ikaw, Deborah, parang wala ka ngang alam na spell eh! Tapos papasukin mo pa ang relasyon? Eh kung nag-aral ka kaya muna? Nakita mo ba kanina ang kaibigan ko dati, si Siri? Bumagsak iyon nang paulit-ulit kaya tumigil at ngayon taga-silbi na lang. Gusto mo bang ganoon ang kahahantungan mo? Ayaw naman siguro ng hari ng manugang bobo, 'di ba?"

"Papano siya magiging taga-silbi, Agathon, kung magiging reyna siya? Kahit wala siyang alam gawin kundi ang matulog, hindi siya magiging taga-silbi kasi ako ang kasintahan niya."

"Bale ayos lang sayo na bobo ang magiging reyna? Edi mamumulubi ang Majestas niyan! Bilang isang hari, Caylus, kailangang matalino ka magdesisyon. Pagpili pa lang nga ng magiging asawa ang pangit na ng naging desisyon mo. Magpo-protesta talaga ako kapag siya ang naging reyna, Caylus. Bilang mamamayan ng Mejestas, ayaw kong isang kagaya lang niya ang mamumuno sa kaharian. Syempre kailangang mamili ka ng mas karapat-dapat sayo! Marami akong kilala, ako na lang ang hahanap ng para sayo."

Nagkatinginan kami ni Agoth at bakas sa mukha niya ang pagkairita sa pagiging epal ng kakambal niya. Narinig ko naman ang pagtawa ni Griffin habang si Rand at Matilda ay parehong tahimik na tila nahihiya pa sa nangyari kanina.

Tumigil sa paglalakad si Caylus dahilan para huminto kaming lahat sa paglalakad.

"Sino naman ang ipapakilala mo sa akin, Agathon? Ang mga babae na sabay-sabay mong naging kasintahan? Ayon sayo, mahirap pumasok sa isang relasyon. Ang dali-dali lang nga sa iyo magpapalit-palit ng kasintahan na tila damit lang sila na kapag tapos mo na suotin, huhubarin mo na lang at ihahagis sa kung saan-saan. 'Wag mo akong itulad sa iyo, Caylus. Alam ko ang ginagawa ko at alam kong tama ang naging desisyon ko."

Hinila ako ni Caylus palapit sa kaniya at muli kaming naglakad. Gustuhin ko mang lingunin si Agathon pero hindi ko nagawa. Hindi ko alam bakit 'di ako makapagsalita.

"Oo nga naman, Agathon. Bakit ka ba nangingialam sa relasyon nila at sa mga pinili nilang desisyon eh wala ngang nangingialam sayo at sa mga babae mo." Muli kong narinig ang pagtatalo nina Agathon at Agoth sa likuran namin na inawat naman ng pambansang taga-awat na si Griffin.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon