Cαριτυlυm XV: Hidden Sea

97 20 1
                                    

Nang matapos ang paglilinis, napagkasunduan namin ni Agathon na magkita malapit sa fountain. Ako ang pumili ng lugar kung saan kami magkikita. Kukunin niya ang tanim sa bahay niya at pupunta dito. Napag-alaman kong hindi lang siya anak ng kanang kamay ng hari, ang ama rin niya ang book keeper ng Majestas.

Muntik ko na makalimutan kanina na hindi ako nakainom ng medicamentum kaya may lumitaw na wart, buti dahil bago ito lumala ay nakainom agad ako. Wala naman na masyadong maraming tanong si Agathon at bumalik na siya sa kaniyang ginagawa.

Inangat ko ang mga mata ko at nakita ko ang buwan sa likod ng mga alapaap. Parang nakatitig ito sa akin at tinatawag ako nito.

"Incanta, nasaan ka? Nasaan ang ilalim ng buwan?"

Pinagmasdan ko ang buwan habang nakalipad ang utak ko kena Darim. Kamusta kaya siya? Ayos lang kaya sila?

"Malamang hindi. Ano ka ba naman, Deborah. Mamamatay si Darim. Papaano sila magiging maayos kung hindi ka kumilos agad para hanapin ang lunas?"

Ilang beses akong bumuntong-hininga, pilit ipinapaalala sa sarili ko ang dahilan kung bakit ako nandito. Walang dapat na lumiko ng atensyon ko. Kailangan kong panatilihin ang mata ko sa kalasag, sa ganitong paraan ay maisasakatuparan ko ang mga dapat kong gawin.

"Hoy!"

Itinaas ko ang paningin ko sa kabilang dako at nakita ko ang lalaking may luntiang mata na lumilipad pababa mula sa paglipad.

Yumuko ako para ikubli ang pagngiti ko. Ikinaganda ng imahe ng lalaking 'yon ang mga bituin na nasa likod niya. Parang pinupuri ng mga nagniningning na tala ang kanyang mukha dahilan para magmistula siyang anghel kahit sa totoo ay saksakan ng sama ang ugali nito.

"Whoo!" sambit niya nang makalapag siya sa lupa. Hawak-hawak na niya ang tanim sa kabilang kamay at ang walis sa kabila.

"Pakihawak nga nito."

Tumalon mula sa bisig ko si Casper at inabot ko ang tanim at ang walis. Inayos niya ang buhok niya, sinuklay niya ito gamit ang daliri niya at pinunasan niya ang pawis niya gamit ang kamay niya.

"Malamig naman sa itaas, pinagpapawisan ka pa," bulong ko.

Ipinukol niya sa akin ang esemeraldang mga mata niya. "Pakialam mo?"

Tumahimik na ako at inantay na matapos siya sa pag-aayos ng sarili niya. Wala namang tao sa paligid kaya wala nang makakakita sa amin. Kukunin lang ang tanim tapos aalis na ako, may nakuha akong libro kanina na makakapagturo sa akin kung saan ang dagat ng alapaap. Pero sa tingin ko, aabutin ako ng umaga bago ako makarating doon kaya kailangan ko nang makaalis agad.

"Matagal ka pa ba?"

Hindi niya ako pinansin.

"Matagal ka pa? May pupuntahan pa ako..."

Natigilan naman siya sa ginagawa niya at muling napatingin sa akin.

"Saan ka pupunta?" Taas kilay na tanong niya.

"Basta," sagot ko at inabot sa kaniya ang walis niya, "maraming salamat."

Inilagay ko na ang halaman sa bag na bitbit ko kung saan nakalagay din ang libro na makakapagturo kung saan ko makikita ang dagat ng alapaap.

"Saan nga?"

Hindi ko na siya pinansin, sa halip ay pinulot ko si Casper sa lupa at nag-umpisang maglakad palayo. Hawak-hawak ko ang libro sa kabilang kamay ko. Tinahak ko na ang daan papunta doon. Ayon sa libro, makikita raw ang dagat ng alapaap sa ika-pitong langit na matatagpuan sa ika-limang bundok ng bayan ng Luna.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon