Naglalakad ako sa tahimik na pasilyo ng paaralan habang buhat buhat ang mga libro. Wala pa rin akong mahanap na lunas. Hindi rin ako makapag-concentrate sa paghahanap kasi ginagambala ng sinabi ni Thylia ang utak ko. Kung ano ang pananaw ng mga wizards sa katulad namin—sa katulad naming pangit.
Napahinto ako sa paglalakad nang kalmutin ni Casper ang paa ko. Pagtingin ko sa kanya ay dinidilaan niya ang kamay niya. Hindi ko na sana siya papansinin ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay kinalmot niya ulit ako.
"Cas—hindi!" Nagmadali akong takpan ang kamay ko na unti-unting nagiging green. Hindi pala ako nakakainom ng medicamentum.
Kinapa ko ang bag ko at hinanap ang bote nang mapasapul ako sa ulo ko dahil naalala kong naiwan ko pala yun sa kwarto.
Mabilis akong bumaba sa hagdan hanggang sa makarating ako sa pinakaunang palapag. Tatakbo na sana ako palabas ngunit napansin kong sobrang daming tao sa field. Kung dadaan ako doon, mapapansin agad nila ako.
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at naramdaman kong may warts na tumubo. Nangangatog na ang tuhod ko at pinagpapawisan na ang kamay ko.
"Nakita mo ba kung gaano kapangit ang mukha niya?" narinig kong usal ng isang babaeng tila naipit na pusa ang boses na naglalakad mula sa likuran ko. Tumatawa sila ng mga kasamahan niya nang malagpasan nila ako. Agad ko namang niyakap nang mahigpit ang mga librong hawak ko at naglakad ako palayo nang nakayuko.
Dumaan ako sa gilid, pupunta ako ngayon sa likurang parte ng school na sana ay walang tao. Mukhang lahat ay nasa field naman sa ganitong oras.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na ngayon ang Majestas. Kung bakit hindi ka nababagay sa lugar na 'to kapag pangit ka—kapag kakaiba ka. Yung kubang tinatawag nila, alam kong maganda siya. Kung iisipin ko, siguro mabait siya. Sadyang umiiwas lang siya sa mga tao dahil nga kakaiba siya. Hindi siya nila tanggap dahil may malaking bukol ang likod niya. Hindi tinatanggap ng mga tao rito na mayroong ganda na hindi makikita ng mata. Kasi ang salitang "ganda" para sa kanila ay nakabase lamang sa pisikal na itsura.
Makinis na kutis, mapungay na mata, mapulang labi, at malambot na balat. Nakakapanlumo kung iisipin na may mga mata nga sila pero bulag naman sila sa mga bagay na ikinubli ng paningin ngunit nakikita ng damdamin.
"Akin na nga! Pumusta ka 'di ba?"
Agad akong naghanap ng pagtataguan nang marinig ko ang boses sa 'di kalayuan. Nakita ko ang haligi sa gilid at agad kong isiniksik ang sarili ko doon. Sa gilid lamang ng haligi ay ang crystal na tunatakip sa bulletin board.
"Ang gwapo ko talaga..." narinig ko usal ng isang lalaki habang inaabot ang pera. Nagpayabangan sila ng kagwapuhan hanggang sa tuluyan na silang nakalayo.
Bumalik ang pares ng mata ko sa crystal. Mula rito, kitang kita ko sa repleksyon ang pangit na babaeng yakap yakap ang mga libro. Nakasuot siya ng sumbrerong maitim. May mga warts ang mukha niya, kulay puti ang manipis na buhok, at green ang balat. Nakakatakot at nanlilisik din ang mga mata. Sirang sira ang ngipin na tila ba pinaninirahan ng libo-libong bacteria kahit hindi naman. Matangos ngunit malaki ang ilong.
Ganito ang itsura ko, ganito ang itsura ng isinumpa. Pinagmukhang salot para hindi tanggapin. Napalingon ako sa malayo kung saan may nga babaeng nagkukumpulan.
Magaganda sila, makikinis ang kutis, mapuputi; mapupungay ang mata, mapupula ang labi; mala-anghel kung tumawa, malambot ang kamay—napatingin ako sa kamay ko at nanlumo ako bigla. Mahahaba ang mga daliri, maging ang kuko, sobrang payat din nito at may mga warts. Walang taong hahawak sa kamay na 'to.
Napasandal ako sa haligi hanggang sa tuluyan akong maupo sa sahig. Hindi nababagay ang pangit sa lugar na 'to, sa madaling salita, wala dapat ako rito.
BINABASA MO ANG
Deborah: The Witch of Incanta
Viễn tưởngThe story is all about a Witch who will save her lost homeland from permanent oblivion because of the wicked wizard who ruled the kingdom of Majestas. Witches and warlocks were considered as an imaginary ugly creatures who were only made to frighten...