Cαριτυlυm XIII: Playing Hero

101 17 1
                                    

Naglalakad ako ngayon sa mahaba at tahimik na pasilyo habang mahigpit na nakahawak sa supot na naglalaman ng kuartero na hiningi ko kanina. Dinala ko na rin ang medicamentum para hindi ako biglang magbagong anyo mamaya.

Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang mapa papunta sa pulang ilog o kung sino ang makakapagturo sa akin kung papaano ako makakapunta doon. Tahimik ako habang nakayukong naglalakad, pinagmamasdan ang pares ng paa ko na nagpapaunahan nang biglang may bumangga sa akin dahilan para matumba kami parehas sa marmol na sahig.

"Pasensya na! P-pasensya..." nangangatal na usal niya at inayos ang sarili niya. Dali-dali siyang tumayo matapos pulutin ang mg gamit niya.

"Pasensya kana..." nakayukong usal niya sa akin.

May biglang sumagi sa isip ko, mukhang ito ang dahilan kaya siya nakabangga sa akin ay dahil siya ang makakatulong sa akin.

"Ayos lang," sambit ko habamg diretsong nakatingin sa kaniya. Dahan-dahan naman niyang inangat ang ulo niya at doon niya ako nakita.

"Ikaw ang nakausap ko kamakailan!"

Bahagya akong napapikit ng mata dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya. Agad naman niyang tinakpan ang bibig niya nang mapagtantong napalakas ang boses niya.

"Ako si Thylia, natatandaan mo ba ako?"

Sa pagkakataong ito, halos bumulong naman siya dahil sa ingay ng boses niya. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Oo nga pala, Thylia pala ang pangalan mo."

"Nasaktan ka ba? Pasensya kana ah? Hindi ako nag-iingat. Tinakasan ko kasi yungmga wizards na muntik ako pagtripan..."

Maging siya pala ay biktima rin ng pang-bu-bully ng mga wizards na 'yon.

"Uhh, ano 'yang bitbit mo?"

Tunog chismosa ako sa sinabi ko nakakaakit naman kasi ang bitbit niyang bote na naglalaman ng kulay pulang tubig.

Unti-unting sumilay ang mapanganib na ngiti sa labi niya at tila ba ay nanlisik ang kanyang mata. Nakatingin siya sa akin pero tila nakalagpas naman ang tingin niya. Parang may tumatakbong masama sa utak niya.

"Dugo ito ng wizard na pinatay ko..."

Nanindig ang balahibo ko sa narinig mula sa nakangising labi niya.

"Ang sinumang pumapatol sa akin, namamatay," dagdag niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako pero hindi ko pinahalata. Ilang beses akong napalunok ng laway habang diretsong nakatingin sa nanlilisik niyang mata----

"Biro lang!" pagsigaw niya at bigla siyang humalakhak ng tawa na umalingawngaw sa paligid.

"Isa lamang itong tubig mula sa pulang ilog!" natatawang usal niya.

"Base sa mga alamat, ang tubig daw kasi mula sa pulang ilog ay may kakayahang gumamot ng tigyawat! Mayroon ako rito..."

Tinuro niya ang tigyawat na nasa leeg niya, napangiwi naman ako nang makita ko iyon.

"At ito pa!"

Itinaas niya ang t-shirt na suot niya at sa bandang tiyan niya ay may tigyawat na medyo may kalakihan. Agad naman akong napaiwas ng tingin. Nandidiri akong tignan iyon dahil hindi pa naman ako nagkakatigyawat sa buong buhay ko, warts lang.

"Kaya ito, kumuha ako ng tubig mula sa ilog na pula para ihalo sa tubig na aking ipapaligo at para mawala na ang tigyawat na ito..."

Itinaas pa niya ang bote at tila nagniningning pa ang mga mata niya habang nakatingin dito na para bang ito makakaligtas sa kaniyang kinabukasan.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon