Cαριτυlυm XXXIII

86 7 0
                                    

Napakaganda. Sino siya? Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Ang bawat sulok nito, hindi ito pamilyar sa akin. Pero bakit ganoon? Bakit may nararamdaman na kung ano ang puso ko nang lumapat sa kaniya ang aking paningin?

Narinig ko na ang tugtog ng instrumento: gitara at pyano. Senyales na mag-uumpisa na ang sayawan.

Gusto kitang isayaw nang mabagal

Pumunta na sa gitna ang iba dahilan para mabigyan ng mas malaking espasyo ang pagitan naming dalawa ng misteryosong babaeng nakatayo isang metro lang ang layo mula sa kinatatayuan ko.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

"Magandang u-umaga," nakangiting usal ko sa kaniya nang humakbang siya palapit sa akin.

"Gabi na ngayon." Pamilyar ang boses niya, ang matamis ngunit may bahagyang kasungitan na tinig niya.

Hawak kamay, Pikit mata, sumasabay sa musika

"Magandang gabi, dilag, puwede ba kitang maisayaw?" Lakas loob na tanong ng isang lalaki na bigla-bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Inilahad nito ang kamay niya sa misteryosong babaeng naka-trahe de bodang puti na may iba't ibang nakaukit na disenyo at palamuti.

"'Wag---" mahinang bulong ko nang tanggapin niya ang kamay ng lapastangang lalaking iyon. Bago pa sila tuluyang makaalis papunta sa gitna kung saan nagsasayawan ang iba, tinapunan muna ako ng ngiti ng dalaga.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Tumutol man ako, wala naman akong magagawa, hindi ko siya hawak...

Lumapit ako sa lalaking may dala-dalang lalagyan para sa mga inumin at kumuha ako ng isang baso. Akmang aalis na ang lalaki nang pigilan ko siya at muling kumuha ng isang baso.

"Malalasing kayo niyan agad kapag sunod-sunod ang ininom niyo."

Tinapunan ko ng masakit na tingin ang lalaki. "Pake alam mo?"

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa nagsasayawan habang nilalagok ang alak na nasa baso ko.

Heto na
Ang kantang
Hinihintay natin

"Alam niyo ba, ang mga babae ay parang alak 'yan. Maganda at nakakaakit sa unang tingin pero kapag sinubukan mo, matapang pala."

Ibinalik ko sa kaniya ang kunot noo at matalim kong mga tingin. Akmang kukuha ako muli ng isang baso nang kunin ang natirang alak ng lalaking dumaan.

"'Wag po kasi kayong magpaligoy-ligoy. Ang alak, pinag-aagawan 'yan. Kagaya ng mga babae, parati kang may kaagaw kaya minsan may nakakauna kaysa sa 'yo."

Eto na ang pagkakataon na
Sabihin sa'yo

"May makauna kaysa sa akin?" Tinapunan ko ng tingin ang misteryosong babae habang nakahawak siya balikat ng lalaking nag-aya sa kaniya at ang kamay ng lalaki ay nasa bewang niya.

Ang nararamdaman ng puso ko
Matagal ko nang gustong sabihin ito

Hindi... hindi puwede. Hindi ko maintindihan bakit pero gusto ko, akin lang siya. Sa akin lang siya.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Humakbang ako palapit sa kanilang dalawa at hinawakan ang balikat ng lalaki.

"Gusto ko siyang isayaw."

Magsasalita pa sana ang lalaki nang muli akong sumabat. "Hindi iyon tanong kaya hindi ko kailangan ang permiso mo. Umalis kana."

Gusto kitang isayaw ng mabagal

Hinila ko ang kasuotan niya at itinulak siya sa kung saan. At muli kong hinarap ang misteryosong babae.

Hawak kamay, pikit mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw ng mabagal

Dali-dali kong kinuha ang wand ko mula sa bulsa ng damit na suot ko at inikot-ikot ito sa hangin hanggang sa isang harang ang pumalibot sa aming dalawa para kung gamitan man kami ng kahit anong kapangyarihan, hindi kami madidistorbo.

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ito sa balikat ko. Ang isang kamay ko ay nasa bewang niya habang ang natitirang kamay namin ay magkahawak.

Ilalagay ang 'yong kamay sa'king baywang
isasabay sa tugtog ng kanta ating katawan

"Magandang gabi..." pagbati ko sa kaniya.

"Magandang gabi rin. Buti naitama mo na." Sumilay ang ngiti sa labi niya na siyang dahilan para mapangiti rin ako nang matamis.

at dahan-dahang magdidikit ating mga balat
matagal ko nang gustong mangyari ito

"Hindi ko alam kung bakit pero hindi pamilyar sa akin ang mukha mo... pero alam kong narinig ko na ang boses mo."

"Iba pala yung makaharap kita nang ganito kalapit..." bulong niya habang nakatingin ang kaniyang mata sa labi ko.

"Ilang babae na kaya ang nakatikim niyan?"

Gusto kitang isayaw ng mabagal
Gusto kitang isayaw ng mabagal

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti ko sa naging tanong niya.

"Mukhang gusto mong makatikim," nakangiting usal ko.

Hawak kamay, pikit mata
Sumasabay sa musika

Matapos kong sabihin iyon, parang nalungkot ang mga mata niya.

"Pasensya kana, may sabi ba akong mali?"

Ilang minuto rin siyang nakatingin sa akin bago niya napagdesisyunang magsalita.

Gusto kitang isayaw ng mabagal

"Ewan ko lang kung masasabi mo pa 'yan kapag makilala mo 'ko."

Pag natapos na ating kanta
At wala nang musika

Kumunot ang aking noo sa naging pahayag niya.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.

Kakantahan ka ng Acapella sa'yong tenga
At nanamnamin natin ang pagsasama

Bigla siyang tumawa nang mahina at mabagal na umiling. "Wala. Kung ano-ano lang ang nasasabi ko dahil ang guwapo mo."

Gusto kitang isayaw ng mabagal
Gusto kitang isayaw ng mabagal

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon