"Ang pagkakakilanlan ng Daffodils ay babaeng may apat na kamay. Ang apat na kamay na ito ay naglalarawan sa apat na lupain kung saan namumuhay ang mga bulaklak na daffodils. Parte ng kasaysayan ang daffodils, isang lason ang tumama noon sa buong palasyo at itong bulaklak na ito ay matagumpay na nakaligtas samantalang ang ibang bulaklak ay nalanta at namatay. Ang daffodils ay nangngahulugang 'buhay'.
"Ang pagkakakilanlan naman ng Asiatic ay gintong isda, ayon sa isang kuwentong bayan, ang gintong isdang ito ay mahuhuli lamang sa lawa ng Eutasia. Inilarawan ang lawa ng Eutasia na lawang ibinuga ng bulkan dahil hindi tubig ang nakapaloob sa lawa na ito kung hindi isang lava. Umaapoy raw ang lawang ito at dito naninirahan ang mga gintong isda, pero dahil sa mainit ito, hirap ang mga taong kumuha ng isda sa nasabing lawa. Ang gintong isda ay nangangahulugang 'swerte' dahil mahirap nga itong hulihin. Pero, sinubukang hanapin ng nga eksperto ang lawa ng Eutasia, hinalungkat at hinukay nila lahat ng posibleng kinaroroonan nito pero bigo silang matagpuan ito. Wala na ring kahit isang mamayan ang nakaalala o nakaranas na mangisda sa lawang iyon. Hanggang sa nitong nakalipas na limang taon, idineklara ng mga ekspertong walang katotohanan ang mga nasabing kuwento ukol sa gintong isda o kahit sa lawa ng Eutasia."
Ilang beses munang huminga nang malalim ang guro dahil mukhang hiningal ito sa pagkukuwento. May katandaan na rin naman siya.
"Dumako tayo sa pangatlong antas, ang kinabibilangan ninyo, ang Hemlock. Ang simbolo ng Hemlock ay ang pambihirang ibon na felux, narinig n'yo na ba ang ibong ito?"
Gusto ko mang itaas ang kamay ko, hindi ko ginawa. Kailangan kong itago ang nalalaman ko tungkol sa ibon para malaman kung ano ang pinagkaiba ng kinuwento sa amin ni Nana at ang kuwento sa loob ng lugar na 'to.
"Tama! Wala na ngang nakarinig sa inyo ng tungkol sa ibong ito. Ayon sa isang libro, ang lahi ng ibong ito ay ubos na maraming taon na ang nakalipas..."
Halos mapataas ako ng kilay sa narinig ko.
"Ubos na? Eh magkasama kami ni Darim na hinuli ang ibong ito. Isa ito sa sangkap para sa potion na ginawa ko. Ang sabi ni Nana, isang beses lang sa isang taon kung magpakita ang felux at hindi pa buwan ang lumipas nang makita ko ito pero bakit sinasabi nilang ubos na?"
"Noong tumama ang matinding lason na bumalot sa buong Majestas, isa ang ibong felux sa natamaan ng lason na ito na umubos sa buong lahi ng felux. Ngunit ayon sa narinig kong kuwento, ang ibong ito ay may kakaibang abilidad sa paningin at sa pandinig. Kaya nitong makakita ng bagay-bagay na kahit kilometro ang layo sa kaniya. Kakaiba rin ang pandinig nito... at sa higit sa lahat, may kakayahan itong magsalita na kagaya ng tao."
Napatango ako sa mga narinig ko, totoo ang impormasyong ibinigay niya. Ngunit hindi nabanggit sa amin ni Nana na pinatay ang buong lahi nito ng lason dahil na rin sa katotohanang noong nakaraan lang ay nakahuli kami nito. Tunay ngang nahirapan kaming hulihin ang mailap na ibon na ito. Taon ang lumipas bago kami tuluyang nakahuli ng isa kahit taon din ang pag-aabang namin dito.
"At ang huling antas, ang Peruvian. Ang simbolo ng antas na ito ay bilog. Ginto ang kulay ng bilog at kayumanggi naman ang nasa likurang kulay nito. Ito ang dahilan bakit pinagtalunan ito ng marami. May mga naniniwalang buwan ang simbolo nito pero mas lamang ang naniniwalang araw ito dahil sa gintong kulay nito... walang sagot kung bakit ito ang simbolo ng Peruvian pero pinaniniwalaan itong nagsisimbolo ng 'liwanag'..."
Marami akong natutunan ngayon na puwede kong gamitin. Napapatanong ako kung bakit ganoon ang impormasyon ukol sa ibong felux, mali ang ibang impormasyon dito kaya hindi rin ako sigurado kung gaano katotoo ang ibang napag-alaman ko.
Matapos ng klase ay pumunta agad ako sa library. May mga iba rin akong kasabay habang pumupunta sa library. Karamihan ay may suot na salamin at mukhang tutok sa aral. Ayon sa narinig ko, wala ang guro sa susunod na asignatura kaya minabuti ko nang pumunta sa silid-aklatan. Si Matilda naman, nagpaiwan roon.
BINABASA MO ANG
Deborah: The Witch of Incanta
FantastikThe story is all about a Witch who will save her lost homeland from permanent oblivion because of the wicked wizard who ruled the kingdom of Majestas. Witches and warlocks were considered as an imaginary ugly creatures who were only made to frighten...