Cαριτυlυm XXV: Magic of Time

81 12 0
                                    

Naglalakad kami pabalik sa paaralan. Hawak-hawak na naman ni Caylus ang kamay ko---nakakapanibago. Buong buhay ko, wala pang humawak sa kamay ko nang ganito katagal. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang pakiramdam na magkaroon ng karelasyon, o sadyang hindi lang ako sanay. Parang ayaw ko... parang nagsisisi ako sa naging desisyon ko.

"Hoy, bevy! 'Di ba kayo nangangalay?"

Ayan na naman si Agathon. Nang-iinis na naman siya. Hindi ko na lamang siya pinansin pero hindi siya nakalusot sa kakambal niya at nagsagutan naman sila. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Pagkatapos akong mahulaan ng matanda ay umalis na kami sa loob ng bahay nila. Bumungad sa pintuan ang ilang mga babaeng nasa edad kuwarenta. Nagbubulong-bulungan sila nang lumabas kami at bigla silang tumahimik.

"Ne, hinulaan kayo?" Hinila ng isang babaeng may kulay pula na buhok si Agoth.

"Hindi po kaming lahat. Siya lang." Itinuro naman ako ni Agoth sa ale.

"Ahhh. 'Wag kayong magpapaniwala sa sinasabi ng matandang iyon. Peperahan lang kayo no'n."

"Wala naman po silang hininging pera sa amin."

"Ganoon ba?" singit ng isang babaeng may singkit na mata.

"Pero, ne, baka hindi pa ngayon. Baka sa susunod. Basta mag-iingat lang kayo sa kaniya sa susunod," usal naman ng babaeng maraming tigyawat sa mukha.

"Oo. Kilalang baliw 'yan dito sa lugar namin. Mga garapal ang pamilya niyan sa pera kaya mag-ingat na lang kayo. 'Wag kayong magpapaniwala sa mga sinasabi niya. Puro lang naman siya kalokohan," dagdag ng babaeng may pulang buhok at nagtawanan sila ng mga kaibigan niya.

Tumango-tango na lang kami bago umalis sa kanila. Nalito tuloy ako kung paniniwalaan ko ba ang babala ng matanda o paniniwalaan ko ang kuwento ng mga ale. Mayroon sa kanilang hindi nagsasabi ng totoo---o puwede ring pareho silang nagsisinungaling.

"Mas mabuti pang 'wag tayong maniwala sa kahit anong sasabihin ng mga tao rito. Hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral kaya karamihan sa kanila ay umaasa na lang sa mga ginagawa nilang eksperimento. Kadalasan pa ay mga palpak ang mga tinitinda nila. Kaya nga binabalaan ng hari na bumili ng mga gamit dito o magpasok ng kahit anong mula rito papunta sa paaralan kasi hindi garantisado ang prudukto dito. Kung anong bibilhin mo, baka doble ang sumpang babalik sayo." Seryoso ang boses ni Caylus, maging ang mga mata niya at diretso lamang ang tingin sa may kasikipang kalsada na puno ng mga mamimili at maingay na nagtitinda.

Habang naglalakad, hindi rin namin maiwasang pagmasdan kami ng mga tao roon. Nagbubulung-bulungan din sila na hindi kami sigurado kung ano.

"Ingat!" pagsigaw ni Caylus. Nabigla ako sa paglitaw ng asul na ilaw sa harap ko at nahinto sa pagkilos ang batang tumatakbo na muntik nang makatama sa akin. Para siyang nakulong sa bloke ng yelo nang gamitan siya ng mahika ni Caylus para mapahinto siya at hindi niya ako tuluyang matamaan.

"Ang anak ko!"

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang babaeng tumatakbo papunta sa bata.

"Ibalik mo sa normal ang anak ko! Ibalik mo!"

"Ale, kalma lang po kayo. Walang masamang nangyari sa anak mo." Nakisali na si Griffin sa usapan. Sinubukan pa niyang hawakan sa balikat ang ale pero inilayo nito ang balikat niya at nagsungit.

"Aba! Eh yung anak niyo po ang may mali!" pagreklamo ni Agathon. Matalim ang titig na itinapon niya sa ale. Marahil ay nairita ito sa inasal ng babae.

"Tumigil na nga kayo," pagsaway ko sa kanila pero matigas talaga ang ulo nila.

"Kamuntik na po niyang matamaan ang kasamahan namin," umeksena na rin si Rand.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon