"Ahhhh!!"
Mabilis akong umatras at inilayo ang sarili ko sa tubig kahit na sobrang sakit pa ng paa kong natapilok.
"Lumayo ka!! Lumayo ka sakin!!" Pinilit kong itaboy ang hayop na bigla na lamang lumabas at umahon sa tubig. Kulay kahel ito, mahaba at malaki ang katawan na may matulis na ulo at may kakaibang detalye rin na kahawig ng ahas ang nakaukit sa kaniyang katawan. Pero sigurado akong hindi ito isang ahas.
Tumalikod ako at akmang tatakbo nang bigla akong lumutang sa ere at tila may nakakagat sa kanang paa ko. "Bitawan mo ko!! Bitawan mo ko!"
Sinubukan ko siyang sipain pero walang talab. Masyadong masakit ang paa ko sa pagkakatapilok para makasipa sa kaniya.
Itinutok ko sa mga mata niya ang kamay ko nang makakuha ako ng tyempo. Bubulagin ko siya nang panandalian ng liwanag para bitawan niya ako at may sapat na oras akong makakuha ng tubig at makalayo.
"Pasensya ka na, pero kailangan kong gawin 'to---"
"Gallea! Bitawan mo siya!"
Maliksi akong naghanap ng makakapitan nang bigla akong binitawan at inilaglag ng halimaw na siyang may hawak sa akin kanina. Mahuhulog na ko sa lupa at ang ginawa ko na lamang ay niyakap ang aking sarili at ipinikit ang mga mata.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako bumabagsak sa lupa. Idinilat ko ang mga mata ko para tignan ang nangyayari sa paligid nang mapagtantong buhay pa ako at kasalukuyan nang nakaupo sa malalambot na dahon.
"Gallea, bakit mo siya tinakot?"
Nagulat ako nang makitang halos kasing laki na lang ng uod ang dambuhalang halimaw kanina.
"'Wag mo na gagawin 'yon ulit, huh?" Hinimas-himas niya ang ulo ng hayop bago ito sinenyasang bumalik na sa tubig.
"Para kang manok na pinalipad sa ere at pinapagaspas ang mga pakpak niya." Inilahad nito ang kamay niya sa akin para makatayo ako. Sandali ko itong tinignan bago ko tinanggap.
"Sa susunod, 'wag mo na 'yon gagawin. Ang pangit mo tignan kapag pinipilit mong lumipad," usal niya at lumuhod sa lupa para pulutin ang mga serata.
Kung siya ang iniisip niyo, tama, walang iba kundi si Agathon.
"Sinusundan mo ba ako?" bulong ko habang nanatiling nakatayo.
Saktong tapos na siya sa pagpulot sa serata at inabot ang lalagyan nito sa akin.
"Asa ka," bulong niya. Mayamaya pa ay pinulot naman niya ang lalagyan ng tubig at lumapit sa ilog kung saan umaagos ang tubig mula sa talon.
"Bakit ka nandito?"
"May narinig akong pangit na boses na nagsusumigaw. Eh saktong andoon lang ako sa itaas kaya sinaklolohan ko. Kung alam ko lang pala na isang taong walang pakialam at hindi marunong magpasalamat ang aabutan ko, hindi ko na sana ako nag-aksaya ng panahon para tumulong."
"Teka!! Akin 'yan! 'Wag mong inumin!"
Nagulat ako nang ininom niya ang tubig na sinandok niya doon sa lalagyan ko ng tubig. Oo, tinulungan niya ako. Pero sana nagtanong muna siya kung ayos lang ba na uminom siya ng tubig.
"Ikaw naman. Takot kang maubusan ng tubig. Ayan oh! Ang lawak at ang haba ng ilog. Kahit araw-araw kang uminom diyan, hindi mo 'yan mauubos."
"Pero yung problema ko, uminom ka sa lagayan KO ng tubig KO!"
Itinapon niya sa akin ang walang pakialam niyang tingin at parang hindi makapaniwalang galaw ng labi.
"Pinulot ko yung serata. Alangan namang hayaan kong maubusan ako ng resistensya."
BINABASA MO ANG
Deborah: The Witch of Incanta
FantasyThe story is all about a Witch who will save her lost homeland from permanent oblivion because of the wicked wizard who ruled the kingdom of Majestas. Witches and warlocks were considered as an imaginary ugly creatures who were only made to frighten...