Ƥʀօʟօɢʊs

545 62 11
                                    

     Malayo-layo na rin ang nalakad ko, tanaw ko ang layo ng pinagmulan ko dahil sa taas ng kasalukuyan kong kinaroroonan.

     Malapit na 'ko. Kailangang makapunta ako doon bago pa man kainin ng dilim ang kahel na araw. Kailangan ako ni Darim. Kailangan kong makapasok agad doon para mailigtas si Darim. Kailangan kong makapasok sa kaharian na puno ng mangmang na tao para mailigtas ang kaibigan ko.

     Ilang hakbang pa ang aking binitawan nang pagmasdan ko ulit ang araw. Sandali na lang maghahari na ang buwan, kailangan kong magmadali.

     Masakit na ang mga paa ko pero kailangan kong magmadali. Tanaw na tanaw ko na ang kahel na araw na malapit nang humalik ng tuluyan sa kalmadaong dagat.

     Hinihingal ako nang marating ko ang puno ng mahogany. Sa sobrang pagod ay napakapit ako sa puno. Sa kabila ng pagod, agad ko ring inayos ang aking sarili.

     Dinukot ko mula sa aking bulsa ang maliit na bote na naglalaman ng medicamentum, ito ang tawag sa ano mang pangontra sa mga spells at curse o mas kilala sa tawag na execratio. Pero ang malulunasan lamang ng medicamentum ay nakadepende sa sangkap na inilagay dito.

     "Ebony, humanda kana. Babalik na tayo sa dati."

     Hinigpitan ko ang hawak ko sa cork ng maliit na bote. Kung makakarinig ka man nang pagdagundong ng kidlat ngayon, walang wala ito sa ingay ng dagundong ng puso ko. Para itong sasabog dahil sa kaba. Sinabayan pa ito nang walang tigil na panginginig ng tuhod at mga daliri ko sa kamay.

     Marahan ko itong binuksan. The unpleasant scent of the medicamentum reaches my nose but I respond with a smile. Hindi ko mapigilang maging masaya. Sa loob ng tweleve years na ginugol ko para magawa itong antidote na 'to, ngayon ko lamang napagtagumpayan.

     Inalis ko na ang takip ng maliit na bote at inilapit ito sa labi ko. Hinayan kong pumatak ito sa dila ko sa kabila ng hindi kanais-nais niting amoy.

     Pikit mata kong nilunok ang kaunting patak na dumaloy sa aking dila. Kagaya ng amoy nito, may hindi ito magandang lasa. Ngunit dahil sa kagustuhan kong makapasok sa lugar na iyan, kailangan kong tiisin ang amoy at lasa nito.

     Naramdaman kong tila may tumutusok sa mga balat ko mula ulo hanggang paa. Na parang may karayom na pilit inililibing sa laman ko. Napa-ungol ako sa sakit. Pinilit kong idilat ang mga mata ko ngunit hindi ko alam kung bakit ayaw.

     May nahalo ba akong maling sangkap? Baka mamatay ako! Paano na sina Nana Melova? Sina Satin, Darim, at Atria?

     Sandali akong tumahimik. Naririnig ko ang pagkanta ng mga ibon sa paligid na para bang ang saya saya nila. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang mga tila karayom na tumutusok sa balat ko. At doon ko unti-unting naidilat ang mga mata ko.

     "Totoo nga!"

     Hindi ko alam kung papaano ko maipapaliwanag ang aking nararamdaman at nakikita. Unti-unting nilalamon ng maputi at porselanang kutis ang aking kulay berde at magaspang na balat. Nag-umpisa ito sa dulo ng aking mga daliri at nagkalat na sa aking katawan.

     Sandali kong ipinikit ang aking mga mata nang dumaloy ang masaganang luha mula rito. Nakaramdam ako na parang gumaan ang puti at magaspang kong buhok. May nararamdaman din akong pagbabago sa aking matangos ngunit pangit na ilong. Pinagapang ko ang aking kamay sa mukha ko, sobrang kinis at ang lambot nito. Hindi ko maramdaman ang sandamakmak na warts ko.

     Dahan dahan kong idinilat ang hindi makapaniwalang mga mata ko. At nasaksihan ko ang imahe ng isang babae sa repleksyon sa malinaw na tubig sa lupa. I am looking straight at an angel's orange eyes. Her pinkish lips formed a triumph smile. A crystalizing tear rolls down to her rosy cheeks. And a moment later, I realized that the angel I am staring to is my reflection. I am no longer in an image of a witch.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon