Cαριτυlυm XXXVIII

55 8 0
                                    

"Pagkarating mo sa malaking punong kulay berde ang katawan, kumaliwa ka..."

Mabilis akong tumakbo sa pagitan ng mga puno. Tinalon ang bawat sangang nakaharang sa aking dinaraanan. Iniwasan ang mga insektong dapat iwasan. Kailangan kong makarating doon.

Sa 'di kalayuan, natanaw ko na ang punong tinutukoy niya. Kulay berde ang katawan nito dahil napalibutan na ng lumot. Mula doon sa puno, tinahak ko ang daan pakaliwa.

Kung dati, ginagawa ko 'to para kay Darim, Sahara, Nana, at Satin. Ngayon, nadagdagan na ang dahilan para ituloy ko ito. Nasama na sa listahan si Caylus. Isang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari.

"Maamoy mo ang halimuyak ng serata. Isang uri ito ng bulaklak na may matapang na amoy. Sobrang sakit sa ilong ng amoy nito, pero kailangan mo itong tiisin. Sa kabila ng amoy nito, nakakatulong ito para sa pandinig ng isang tao. Kakailanganin mo ang pandinig mo sa susunod na lugar na dapat marating mo. Pero mag-iingat ka. Kapag matagalan masyado na naamoy mo ang amoy ng bulaklak ay manghihina ang resistensya mo. Hindi ito nakakamatay. Nakakaubos lang ng enerhiya."

Hindi ko pa naamoy ang sinasabi niyang halimuyak. Kaya patuloy lang ako sa tinatahak komg daan. Bahagyang bumagal ang pagtakbo ko at inabot ko mula sa taling nakasabit sa baywang ko ang lalagyan ng tubig at uminom roon. Malayo na ang narating ko. Tama si Caylus, hindi ako dapat magsayang ng oras at mag-antay ng pagkakataon.

"Oh, narito na kayo." Kinuha ni Caylus mula sa kamay ko ang walis at nilagay ito sa kahon na pinalibutan ng desenyong mala-ginto ang kulay.

"Nasaan sila?"

"Naghahantay na sila sa mesa."

Hinawakan ni Caylus ang kamay ko at nilagpasan ang matandang babaeng kausap niya. Pumasok kami sa isang pinto kung saan matatagpuan ang mahabang mesa na kasya ang isang daang katao.

Naupo ako sa tabi ni Caylus habang nasa gitnang upuan ang hari at nasa kanang parte nito ang kaniyang asawa.

"Magandang gabi sa inyo." Bahagya akong yumuko para ipakita ang paggalang ko sa kanila.

"Magandang gabi rin sa iyo, Deborah."

Pinilit kong isilay ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa ama ni Caylus. Humigpit din ang pagkakahawak ni Caylus sa kamay ko na nakatago sa ilalim ng mesa at nakapatong sa hita niya.

"Kumain muna tayo?" usal ng ina ni Caylus. Hindi ito nakangiti o kahit anong ekespresyon man lang na makakapagpagaan ng loob ko. Walang kahit anong aksyon mula sa kanila ang nakapagpabawas ng kabang nararamdaman ko. Pero kagaya ng lagi kong ginagawa, isang bagay kung saan ako magaling, ang magtago ng takot at kaba. Hindi ko puwedeng ipakita sa kaniya at sa kanila na kinakabahan ako. Kailangan kong harapin ito ng buong tapang ko. Kagaya nga ng sinabi ni Mathilda, marahil sa tulong nito ay masasagutan ang iba sa mga katanungan ko.

May lumapit na katulong at tinulungan kami nitong ayusin ang aming pagkain ni Caylus. Mayamaya pa ay muling nagsalita ang kaniyang ama.

"Hmmm. Kahawig mo nga ang iyong ama."

Agad akong napalingon sa kaniya. Gulat ang puso ko, oo, pero 'di ako nakakalimot na dapat hindi ko ipakitang kinakabahan ako.

"Wala. Ang sabi ko... marahil ay kahawig mo ang iyong ama," nakangiting usal nito at ibinalik ang mga mata sa pinggan para hiwain ang karneng nasa plato niya.

Naaamoy ko na ang halimuyak ng bulaklak na serata. Sinubukan kong tumakbo papunta sa hilaga ngunit 'di pa man ako nakakalayo ay nawala na ang amoy nito. Muli akong bumalik sa lugar kung saan ko naamoy ang halimuyak. Sinubukan ko naman sa kanlurang bahagi pero kagaya nh naunang subok ko, nawala ang amoy nito. Nag-umpisa nang sumakit ang ilong ko sa amoy nito. Sinubukan ko naman ulit sa timog. Tinahak ko ang matirik na daan pababa sa parang bangin. Madulas ang lupa.  At pakiramdam ko ay mas lalo akong mahihirapan nang maramdaman kong nabasa ang balikat ko. Nang inagat ko ang mga mata ko, sinalubong ako ng libo-librong butil ng ambon.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon