Hawak hawak ko ang bote na naglalaman ng tubig na kinuha namin sa alapaap. Nakaupo ako ngayon dito sa dulo, sa bangin. Nasisilayan na namin ang kulay rosas na kalangitan na may halong bughaw at pula. Napakatahimik ng paligid, napakagaan sa pakiramdam.
Napatingin ako kay Agathon na nasa likuran, nakikipaglaro siya sa mga hayop. Nakikipag-usap siya sa mga ito na para bang nagkakaintindihan sila. Napapaligiran siya ng mga usa, ibon, ardilya, pagong, at marami pang iba. Maging si Casper ay nasa tabi niya. Nagpapalitan ng ingay ang mga hayop at sinasabayan naman ito ng tawa ni Agathon.
"Ang mga mata niya, ang kakayahan niya, para siyang pinanganak para pangalagaan ang kalikasan..."
Nagulat ako nang bigla nitong itinapon sa akin ang pares ng mata niya kaya agad kong ibinalik ang tingin ko sa harap.
"Umaga na..."
Naramdaman ko na malapit na siya sa akin dahil sa boses niya.
Bumuntong hininga ako bago magsalita, "oo nga."
"Tara na?"
Nilingon ko siya at nakita kong hawak-hawak na niya ang walis, katabi niya si Casper. Ang ibang hayop ay nakatayo lang sa likod niya perk hindi pa rin umaalis. Tumango na ako at tumayo mula sa pagkakaupo, naglakad palapit sa kaniya.
"Alagaan niyo ang hari at ang reyna, huh?" bilin niya sa mga hayop na para talagang nagkakaintindihan sila.
Sumakay na siya sa walis at ganoon na rin ako. Bago kami lumapad, itinutok niya ang wand kay Casper at isang green na ilaw ang lumabas mula rito hanggang sa paikutan ng mga dahon si Casper at nauna itong lumipad sa amin. Habang nasa himpapawid, sinabayan pa kami ng mga ibon na parang sinisigurado nilang ligtas kaming makakarating sa pupuntahan namin.
Bumaba ako sa tagong lugar, ayaw kong makita kami ng mga tao na magkasama dahil medyo marami na ngayon ang mga tao sa field at kung ihahatid pa niya ako, makikita talaga kami. Naglakad ako papunta sa gusali ng mga kuwarto. Nadaanan ko pa ang grupo ng mga estudyante na pinagtritripan ang isa't isa.
Nang makarating ako sa kuwarto, wala na sa loob si Matilda. Inayos ko ang mga gamit, ang halaman at ang tubig ay ipinatong ko sa mesa. May oras pa naman akong natitira kaya binuksan ko ulit ang libro at binasa kung ano ang gagawin sa mga sangkap.
Dinikdik ko sa isang mangkok ang Bulaklak ng guamela hanggang sa lumabas ang katas nito kagaya ng nakalagay sa libro. Matapos no'n ay isinala ko ito para mahiwalay ang likido. Hinati-hati ko naman sa maliit na piraso ang dahon ng magilia at nilagay ito sa hiwalay na lalagyan. Hanggang doon na lang muna ang nagawa ko kasi naubusan ako ng oras.
Dali-dali akong pumunta sa paaralan at pumasok sa silid. Naabutan ko ang guro na halos kakarating lang din kaya hindi ko narinig na nag-iingay ang mga estudyante dahil may guro na. Pumunta na ako sa bakanteng upuan sa likod at inayos ang mga gamit ko. Magsasalita na sana ang guro nang may iluwa muli ang pinto, si Agathon. Magulo ang ayos ng buhok niya, maging ang damit niya, mapupungay pa ang mga mata niya na parang inaantok pa. Dumiretso ito sa upuan niya, wala siyang ipinukol na tingin sa akin.
"Kung ano man ang nangyari kagabi, kalimutan na..." usal ko sa sarili.
Binuksan ng guro ang makapal na aklat na bitbit niya, siya ang guro sa asignaturang mahika, si teacher Sasha.
"Okay, ngayong umaga, tatalakayin natin ang tungkol sa mga counter effect ng mga spells o curse na nilikha ng speller or curser. Alam naman natin na ang speller at curser ay mga nouns, ang speller at curser ang pinagmumulan ng spells at curse.
"Madalas hindi tayo nag-iingat sa mga spells at curse na binibitawan natin, hindi natin alam na may kaakibat itong bagay na puwedeng bumalik sa atin kung makontra ito ng kaaway. Kaya nga sabi sa isang kilalang kawikaan..."
BINABASA MO ANG
Deborah: The Witch of Incanta
FantasyThe story is all about a Witch who will save her lost homeland from permanent oblivion because of the wicked wizard who ruled the kingdom of Majestas. Witches and warlocks were considered as an imaginary ugly creatures who were only made to frighten...