Cαριτυlυm II: Poison

146 28 5
                                    

     Malayang pumatak ang luha sa mga mata ko habang pinapakinggan ko ang paghikbi ng mga kasama ko sa bahay sa kabilang kuwarto.

     "Ano na ang gagawin natin?" Narinig ko ang boses ni Sahara na sumisigaw sa labas.

     "Kasalanan niya 'to, eh! Siya may gusto nito Nana ehh!" Dagdag pa nito.

     Pinunasan ko ang aking mga luha at lumapit sa kalderong pinaglagyan ko ng pinaghalong sangkap. Hawak hawak ko ang maliit na bote na naglalaman ng katas ng malakusha. Ibinuhos ko ito sa kaldero at hinalo. Hindi ko ginusto iyon, hindi.

     Itinaas ko ang kamay ko at gumamit ako ng kapangyarihan para magbukas ang malaking bintana at mula roon ay pumasok si Darim na nakasakay sa walis at si Casper. Masaya akong makitang nakabalik sila ng buhay.

     "Ito na ang sangkap, Deby..." mahinang usal ni Darim at tila pagod na pagod na umupo sa upuan. Iniabot niya sa akin ang boteng pinaglagyan niya ng luha ng malakusha.

     Masaya akong kinuha ito mula sa kamay niya. "Nagawa mo, Darim! Sabi ko na nga ba, kakayanin mo. Alam kong kaya mo!"

     Isang ngiti lang ang iginanti niya sa akin. Naiintindihan ko siya, marahil ay pagod lamang siya sa byahe kaya gano'n.

     Mabilis akong lumapit sa kaldero at nang ibubuhos ko na ang sangkap, ay nag-ingay naman si Casper.

     "Casper, ano ba?! P'wede ba manamihik ka muna?!" Pagsinghal ko ngunit parang nabingi ang ibon na ito. Naglulumipad ito sa buong silid, natatamaan pa nito ang mga libro sa itaas ng cabinet dahilan para malaglag ang mga ito.

     "Casper, ano ba?!"

     Ayaw pa rin niya tumigil. Natatakot ako baka matamaan niya ang boteng bitbit ko at mawalan ng kwenta ito kaya minabuti kong takpan na lang muna. Kahit na sabik na akong matapos ito, dahil sa kalikutan ng ibon ko, kailangan ko muna itong ipagpaliban.

     "Casper!!" Inis na sabi ko. Hindi na ako nakapagpigil, inangat ko ang kamay ko at itinutok ito sa kay Casper.

     "Vincula Ligant!" sigaw ko, at biglang may sumulpot na tali na pumulupot kay Casper.

     Isang ingay ang bumalot sa silid na nanggaling sa bumagsak na bagay. Ngunit hindi ito mula sa direksyon ni Casper. Nilingon ko si Darim, at nakita ko siya, namumutla, nakasalampak sa sahig, at nanghihina.

     "Darim!!" Agad akong lumapit sa kanya at itinahaya siya. Doon ko nakita sa gilid ng katawan niya ang dugo na tila yata nasugatan siya.

      "Ano 'to?" Wala sa sariling tanong ko.

      "Deby, nalason yata ako..." mahinang usal niya.

     Muling dumaloy ang mga luha sa pisngi ko nang maalala ko 'yon. Patuloy at maingat ko pa rin na isinasalin sa bote ang medicamentum.

     Kung tutunganga lang ako, walang mangyayari. Hindi naman gugustuhin ni Darim na tutunganga lang ako---

     "Napakasama mo!"

     Biglang may humampas sa kamay ko dahilan para maitulak ko ang kaldero sa gulat at nalaglag ito sa sahig.

     Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kumalat sa sahig ang ginawa kong lunas. Mabilis akong kumilos at itinayo ang kaldero habang walang tigil sa pag-agos ang luha ko.

     "Bakit mo 'yon ginawa?!" Pagsigaw ko kay Sahara at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

     "Napakasama mo! Mamatay si Darim dahil sayo pero inuuna mo pa rin 'yan! Sarili mo lang ang iniisip mo!"

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon