Cαριτυlυm IX: Punishment

101 23 12
                                    

Halos bumagsak ako sa upuan sa sobrang kaba. Sobrang nanghihina ang tuhod ko, hindi ko talaga kayang tumayo pa. Nagpatuloy sila sa paghahanap ngunit bigo sila, s'yempre, nasa akin ang wand niya.

"Sorry..."

Kung p'wede ko lang siyang yakapin at personal na humingi ng pasensya sa kanya. Kung alam lang nila kung gaano kabigat sa pakiramdam ang kumuha ng isang bagay na hindi mo naman pagmamay-ari.

"Anong kaibahan ko sa magnanakaw?"

Pero wala naman akong ibang pagpipilian kasi may ililigtas naman akong tao. Tama ba 'yon? Gumawa ka ng masama sa ibang tao para sa ikabubuti ng iba?

"Ano? Nahanap niyo na ba?"

Napalingon ako sa gilid. Nakita ko ang isang matipunong lalaki, nakapaligid sa kanya ang mga guwardiya, kausap niya si Caylus at katabi naman nito ang babaeng umiiyak.

Nakita kong umiling si Caylus bilang sagot. Hindi naman makapagsalita ang babae dahil umiiyak ito. Bumuntong hininga ang matipunong lalaki bago magsalita.

"Dalhin niyo siya sa opisina," usal niya at kumilos ang mga guwardiya. Biglang natigilan sa pag-iyak ang babae at nabalot ng takot ang buong mukha niya.

"H-hindi..." Hinawakan ng mga guwardiya ang kamay niya at nagwala ang babae. "'Wag, mahal na hari. Parang awa niyo na, hahanapin ko po ulit ang wand. Baka makikita ko pa. Pakiusap, 'wag niyo akong ikukulong."

"Sshh... 'wag ka mag-alala. 'Di ka makukulong." Nilipat ng matipunong lalaki ang tingin niya sa mga guwardiya. "Dalhin niyo na 'yan."

Parang sobrang bigat ng paa ng babae na halos hindi niya ito maihakbang kaya kinaladkad ito ng mga guwardiya. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ngunit busy sila sa kani-kanilang gawain kaya hindi nila napansin ang pagkaladkad sa babae. Si Caylus naman ay bahagyang nakayuko habang disenteng nakatayo.

Binulungan ng lalaki si Caylus bago ito pumanhik sa entablado. Sumunod naman si Caylus sa kanya at tumayo ito sa gilid ng entamblado.

"Pasensya na sa saglit na kaguluhan, wizards," usal ng matipunong lalaki na nakatayo sa podium.

"Ang gwapo talaga ni haring Magnus."

Nasulyapan ko ang mga nagbubulungang babae sa 'di kalayuan. Kung gano'n, siya ang hari. Biglang nag-apoy ang mata ko nang marinig ko at makita ko ang hari.

'Siya ba ang pumatay sa mga magulang ko?'

Napahawak ako sa upuan sa harap ko nang sumakit ang ulo ko.

"Nana dalhin mo si Deborah! Iligtas mo siya!"

"Pero hindi ko kayo p'wedeng iwan dito..."

"Kailangan mo siya iligtas!"

"Columbus! Mag-iingat ka!"

"Sumama kana sa kanila..."

"Hindi kita iiwan! Kailangan mong sumama sa amin!"

"Mamatay kayong lahat dito!"

"Miss, okay ka lang?"

Inangat ko ang tingin ko sa babae sa harap ko na nagbubulungan kanina. Dahan dahan akong tumango at umupo sa upuan. Sobrang sakit ng ulo ko, nahihilo ako.

"Kamusta ang araw niyo? Naging masaya ba kayo?"

"Oo!!"

"Opo!!"

"Opo, mahal na hari!"

Sabay sabay na sigawan ng mga estudyante, naghihiyawan pa ang iba.

"Mabuti kung gano'n, gusto ko parati kayong masaya," usal ng hari.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon