Cαριτυlυm IV: Mysterious Rommie

122 25 7
                                    

Walang kahit isang tao ang nasa loob. Tanging mga kandila lamang na paubos na ang naiwang nakasindi. Marami ring mga incantasyon na nakadikit sa pader. Inihakbang ko ang paa ko para pumasok at makita nang mas malinaw ang paligid. Kagaya nang inaasahan, puno ng lawa ang kisami maging ang mga dingding. Maging ang mga libro na nakapatong itaas ng book shelf na ka-level lang ng mata ko ay may mga lawa at gagamba rin. Madilim ang kabilang kwarto. Mayroon itong dalawang kama na nasa magkabila. Nakasarado ang bintana at natatakpan pa ito ng maitim na tela. Lumapit ako sa book shelf, wala sa ayos ang mga libro. Halata rin ang kalumaan ng mga ito. Pinatong ko muna si Casper sa katabing mesa at binalikan ang mga libro. Hindi ko maiwasang mabahing dahil sa mga alikabok na nandoon.

"Book of wrath..." binasa ko ang title ng mga librong andoon. "Dark Magic... Darkness... Eclipse..."

"Sino ka?"

Bigla akong napalingon sa gulat lalo na nang makita ko ang nakatayo sa pinto. Malamig ang boses niya at nanlilisik ang tingin.

"Ako ngapala si Deborah," pagpapakilala ko. Hindi ko pinahalata sa kanya na nagulat ako sa pagpasok niya sa eksena. "Ako ang makakasama mo sa kwarto."

Mabagal siyang naglakad palapit sa akin pero hindi na ito muling tumingin sa akin.

"Tumabi ka diyan," bulong niya.

Dali-dali kong kinuha si Casper at umalis kami sa mga gamit niya.

"Dito ako?" Tanong ko habang nakatayo sa madilim na parte ng kwarto. Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya kaya alam ko na ang sagot niya.

Itinaas ko ang kamay ko at itinutok sa mga kandila na nasa loob ng crystal. Ilang sandali pa ay umilaw ang mga ito.

"Papaano mo nagagawa iyan?"

Muli kong nilingon ang kasama ko. Bahagyang nakabukas ang mga labi niya at bahagya rin siyang nakayuko dahil sa bukol sa likuran niya. Tama, siya ang babae kanina.

"Yung alin?" tanong ko.

"Wala kang wand... nagawa mong pailawin ang mga kandila gamit ang kamay mo."

Kumunot ang noo ko. Napapansin ko, kanina pa sumasalubong ang kilay ko. Naguguluhan talaga ako sa malaking pagbabagong nangyari sa Majestas ngayon.

"Papaano mo nagagawa 'yon? Lahat ng mga wizard ay hindi kayang gawin yun," dagdag niya.

"Uhh." Nag-isip ako ng p'wedeng kong sasabihin at idadahilan para hindi nila mahalata na iba ako. Hindi ako ordinaryong wizard. "Stick yung ginamit ko--- este ang wand. Hindi mo lang ata nakita kasi maliit lang ang wand ko."

Naramdaman kong may kinakalmot ni Casper ang paa ko at nang tignan ko siya, nakita kong may kagat kagat siya na branch ng puno.

"Ito ang stick--eh wand ko oh." Nagkunwari akong pinulot ang "wand" sa sahig kahit na ang totoo ay kinuha ko iyon mula sa bibig ni Casper. "Nahulog kasi kaya siguro hindi mo napansin."

Dahan dahan naman siyang tumango at umiwas ng tingin. May mga libro siyang hawak at inilagay niya iyon sa bookshelf.

"May libro ka ba diyan na naglalaman ng mga gamot o panggagamot?" tanong ko.

Pero kagaya ng kanina ay wala akong nakuhang sagot. Umupo na lang ako sa maalikabok na kama at inayos ito. Bukas ay lilinisin ko ang parte ko sa kwarto.

"Sa library," sabi niya kaya napalingon ako. "Maraming libro doon."

Tumango na lang ako para magsang-ayon.

Nakarinig kami ng pagtunog ng kampana sa labas.

Nakita ko siyang huminga ng malalim at lalabas na sana ng pinto nang mapansin niyang nanatili akong nakaupo.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon