Muli kong tinapunan ng tingin ang kasama ko sa kuwarto. Siya ang may gawa ng bagay na 'yon pero hindi niya inamin. Gustuhin ko mang ituro siya, aantayin ko na lang na aamin siya. Siguro ay ginawa niyo 'yon dahil pinagtripan siya ng mga babaeng 'yon. Marahil ay gumanti lamang siya. Naniniwala akong hindi niya iyon gagawin hanggat walang tumutulak sa kanya na gawin ito.
"Ito na ang panglinis niyo..."
Isa-isa kaming binigyan ni Caylus ng panglinis.
"Umpisahan niyo na ang paglilinis ngayon at babantayan ko kayo," usal niya at pumuwesto sa gilid.
Mag-uumpisa na sana akong magwalis nang maramdaman kong may sumusundot sa akin. Nang lingunin ko ito, nakita ko ang isang babaeng kasama namin.
"Hindi pamilyar sa akin ang itsura mo," usal niya habang tila sinisiyasat ang mukha ko. Nag-iwas-iwas naman ako ng tingin para hindi niya ito matitigan.
"Pakiramdam ko talaga isa 'yan sa loser dati na nagpaganda," sambit ng lalaking kalbo.
"Hoy, kuba!" pagtawag nito sa babaeng nagtanggal sa telang nakatakip sa bintana.
"Matagal mo na bang kilala ang babaeng 'to?" pang-uusisa ng lalaking kalbo pero hindi siya pinansin ng kasama ko sa kwarto.
"Ako nga pala si Griffin," usal ng lalaking nang-trip sa akin kaninang umaga. Siya ang nag-transform sa isang higante na binalik sa normal ni Agathon.
"Ayon naman, ang lalaking may itlog na ulo, siya si Rand. Si Agathon naman 'yon at ang isang babae ay ang kakambal niyang si Agoth," pagpapakilala niya isa-isa.
"Griffin, nandito kayo para maglinis, hindi para makipagkuwentuhan," pagsaway sa amin ni Caylus.
Napakamot naman ng batok si Griffin at naghanap ng puwedeng pagkaabalahan.
"Caylus, hindi ba talaga kami puwedeng gumamit ng magic? Kahit walis na lang, oh. Para maabot namin ang crystal na dome," sambit naman ni Agoth.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Caylus bago ito sumang-ayon. Dali-daling kumuha ng dalawang walis si Agoth at sumakay na ito sa isa.
"Hoy!"
Nagwalis na ako sa maalikabok na sahig ng silid na ito.
"Hoy!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nahuli ng mata ko si Agoth habang nakatingin ito sakin.
"Gamitin mo 'to. Ikaw maglinis sa kabila at ako naman sa kabila," suhestiyon niya.
"T-talaga? Ipapagamit mo sa akin 'yan?" tanong ko at itinuro ang walis na hawak hawak niya. Dahan-dahan siyang tumango at nagsalita.
"Oo naman. Bakit hindi?"
Humakbang ako palapit sa kaniya at inabot ang walis. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mahawakan ko iyon.
Naalala ko noong mga bata pa kami ni Darim. Iisa lang ang walis namin kaya dapat ay salitan kami. Pero hindi pa ako marunong magdala ng walis no'n, 'di rin ako maturuan ni Nana dahil nang mga sandaling iyon, tulala si Nana dahil sa pagkamatay ng anak niya sa nangyaring trahedya noon. Dahil do'n, si Darim ang nagturo sa amin ni Sahara.
Parati kaming nababangga ni Darim sa mga dahon ng matataas na puno dahil nagiging malikot ako. Ilang beses pa kaming nalalaglag at sinasalo na lang kami ng lupa. Suwerte na lang kung mabilis kaming kumilos at maiangat agad namin ang kamay namin habang nalalaglag, sa tulong nito ay nagagawa naming lumikha ng sanga mula sa branch ng mataas na puno na kakapit sa kamay namin para maglambitin kami at hindi tuluyang bumagsak.
Naunang lumipad si Agoth papuntsa sa kisameng crytal ng dome. Sumakay na rin ako sa walis at lumipad kasama niya. Ang sarap sa pakiramdam na lumilipad. Sa himpapawid, mararamdaman mo ang kalayaan. Na-miss ko ring lumipad gamit ang walis kahit na ilang araw pa lang naman ang lumipas nang huli kong gamit nito.
BINABASA MO ANG
Deborah: The Witch of Incanta
FantasiaThe story is all about a Witch who will save her lost homeland from permanent oblivion because of the wicked wizard who ruled the kingdom of Majestas. Witches and warlocks were considered as an imaginary ugly creatures who were only made to frighten...