Cαριτυlυm XII: Secrets

95 16 1
                                    

Napahinga ako ng malalim nang mapansin kong tumama ang araw sa mukha ko. Buong magdamag akong gising dahil inisa-isa ko ang pahina ng mga librong bitbit ko, sinubukan kong hanapin ang lunas pero wala talaga akong makita.

Inilipat ko ang pahina pabalik hanggang sa nakarating ako sa pahina na nakapukaw ng atensyon ko kanina. Sabi sa libro, mabisa itong panggaling sa lason pero hindi nabanggit kung anong lason ang kaya nitong gamutin.

Kung maling lunas ang maibigay ko kay Darim, may posibilidad na lumala lalo ang sitwasyon niya imbes na bumuti ito. Naging matigas ang utak ko, ilang beses kong kinumbinse ang sarili ko na 'wag silang titignan pero hindi ko pa rin napigilan. Sa pamamagitan ng tubig, pinanood ko ang walang buhay na kilos nila. Ilang araw pa lang peri kapansin-pansin na ang pangangayayat nila at pamumutla. Mugto rin ang kanilang mga mata at si Nana Melova, nakatulala ulit siya kagaya nang nangyari dati noong mamatay ang anak niya.

Hindi rin ako nagtagal sa panonood sa kanila. Hindi ko kinayang makita ang sitwasyon nila. Kaya pinilit kong makahanap ng lunas sa librong bitbit ko pero wala akong makita, maliban nga dito sa isa na walang kasiguraduhan.

"Meow..."

Napalingon ako kay Casper na nasa itaas ng mesa. Ipinatong niya ang paa niya sa aking kamay na nakalapat sa libro. Napangiti naman akonsa ginawa niya.

Kahit isang hamak na pusa lang si Casper, alam niya kapag nalulungkot o nababahala ako. Alam niya kung papaano pagaanin ang pakiramdam ko.

"Halika ka nga rito..."

Inilahad ko ang kamay ko at tumalon siya papunta sa hita ko. Sinuklay ko ang malambot na balahibo niya gamit ang daliri ko.

"Casper," pagtawag ko sa kaniya.

"Meow?"

Bahagya akong natawa nang sumagot siya na parang naiintindihan niya talaga ako.

"Sa tingin mo... sa tingin mo magiging okay ba kapag itong lunas na 'to ang bibigay ko para kay Darim?"

Itinuro ko ang litrato ng potion na nasa aklat at sa gilid nito ay ang pangalan niya. Tinignan naman ito ni Casper na para talagang naiintindihan niya ang bagay-bagay.

Sa tingin ko, kinikilatis nang mabuti ni Casper ang nakalagay sa libro. Palipat-lipat pa ang ulo nito na akala mo'y nagbabasa. Mayamaya pa ay mahina nitong kinalmot ang libro...

"Casper! 'Wag... masisira ang libro!"

Ibinaba ko sa sahig si Casper at hinayaan ko itong tumakbo sa gilid. Napa-iling naman ako habang inaayos ang pagkakaupo ko at ibinalik ko ang pares ng mata ko sa libro nang magulat ako sa aking nakita.

May mga kalmot sa libro dahil nga sa ginawa ni Casper pero kung aayusin mo ito, makikita mo ang katagang 'Oo'. Napalingon ako kay Casper, nasa sulok siya at dinidilaan ang paa niya.

"Naiintindihan ba niya ang sitwasyon?"

Ibinalik ko ulit ang mga mata ko sa libro... Magtitiwala ako ngayon sa sinabi ni Casper. Hahanapin ko ang sangkap ng potion na ito, at ito ang ibibigay ko kay Darim.

Inayos ko na ang sarili ko at nilagay sa bag ang libro. Iniwan ko si Casper sa kuwarto at lumabas na ako. Marami pa namang tao paglabas ko ng kuwarto. Ang iba sa kanila ay bitbit ang walis at mayamaya pa ay sumakay sila rito at lumipad. Habang ang iba naman ay minabuting gumamit ng hagdan at nag-uusap-usap.

Sinubukan kong alalahanin ang sangkap ng potion. May sangkap na ako, ang problema ko na lang ay kung saan ko ito kukunin.

'Isang dahon ng magilia
Katas ng bulaklak na guamela
Dalawang piraso ng kuartero na ginagamit sa pagluto
Dinikdik na buto ng surelos
Tubig mula sa pulang ilog
At tubig mula sa dagat ng alapaap.

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon