Cαριτυlυm V: Wand and Books

121 23 15
                                    

Buong gabi at madaling araw ay gising ako. Hindi ko nakitang pumasok ang kahit na anino lamang ng kasama ko sa kwarto. Pinilit kong makatulog pero hindi ko kaya. Sa tuwing pipikit ako, pumapasok sa isipan ko ang itsura ng pamilya ko. Kung paano sila nasasaktan at nahihirapan sa pangyagari.

Hindi rin ako makatulog dahil sa maalikabok na higaan kaya buong magdamag ay nakasandal lamang ako sa dingding ng kwarto habang nakaupo sa sahig. Si Casper naman ay nakahiga sa hita ko. Nitong umaga lang din siya nakatulog, sinamahan niya akong magdamag. Si Casper, siya ang nakakaalam ng buong pangyayari kung ano ang nangyari bakit nagkaganoon si Darim. Naging saksi siya sa kasakhiman ko.

Inilipat ko muna si Casper sa bag ko. Matapos no'n ay tumayo ako at inayos ang kama. Tinanggal ko rin ang itim na tela na nakatakip sa bintana. Pinagpagan ko nang pinagpagan ang kama para masiguradong malinis na ito hanggang sa pakiramdam ko ay wala na itong alikabok. Itinutok ko ang kamay ko sa pwesto ko sa kwarto at pinagalaw ko lahat ng alikabok. Nagsayawan naman ang mga ito sa hangin. Ipinalabas ko lahat ng alikabok sa bintana at pinaulan ito sa labas.

'Bahala na ang mga nandoon.'

Sa huli, na-satisfy naman ako sa nakita. Lumiwanag ang silid dahil sa pagbukas ng bintana. Wala na ang nakakatakot na aura ng silid. Malinis na rin ang mga unan na gagamitin ko. Napatingin ako sa salamin sa loob ng kwarto. Maayos naman ang suot ko.

Kulay itim na half armored loongsleeve, pants, at boots. Aalis na sana ako ng mapansin kong wala pa akong sumbrero na patatsulok. Kaya sa pamamagitan ng kapanyarihan ko ay tinahi ko ang itim na telang nakatakip kanina sa bintana at ginawa itong sumbrero.

"Ayos ba, Casper?" sambit ko habang inaayos ang sumbrero sa ulo ko.

Nakita ko naman sa repleksiyon ni Casper sa salamin ang pagngiti nito. Matapos no'n ay lumabas na agad ako sa kwarto.

"Whoooo! Late na tayooo! Hahahaha!"

Napatingin ako sa labas ng barrier kung saan mabilis na lumilipad ang mga estudyante habang nakasakay sa walis. Mukhang nagpapa-unahan ang mga ito sa bilis ng lipad nila.

"Saan kaya ako makakakuha ng walis at wand?" bulong ko sa sarili.

Mabagal akong naglalakad at nag-isip-isip kung saan ako makakakuha nito nang maalala kong mas may mahalagang bagay akong dapat asikasuhin.

"Kailangan kong mahanap ang library!"

Mabilis akong bumaba sa hagdan habang nakasunod si Casper sa akin. Kung sana ay may walis ako, hindi na ako gagamit pa ng hagdan.

Pumasok na ako sa loob ng school building. Nandoon pa rin sa sulok ang masungit na babae sa information desk. Kahit natatakot ako at baka mahalata niya ako, buong tapang akong lumapit sa kanya. Hindi ko na lang ipapahalata na kinakabahan ako.

"May mapa ba kayo ng school?" tanong ko.

Kagaya nang kahapon, may hawak hawak siyang libro na nakatakip sa itsura niya. Unti-unti niya itong ibinaba hanggang sa makasalubong ko ulit ang nanlilisik niyang mga mata.

"Aanhin mo?"

"Uhh." Mabilis akong nag-isip ng maisasagot. "Para sa klase, may test kami bukas at kabilang yun sa test."

Tumaas naman ang kilay niya na parang kinikilatis kung nagsasabi ba ako ng totoo. Maya maya pa ay huminga siya ng malalim at gamit ang wand niya ay pinalitaw niya ang nakarolyong papel sa mesa.

"Ayan na," sambit niya.

"Salamat." Aalis na sana ako nang may maalala ako bigla. "At ano nga pala, pati yung schedule ng klase. Pahingi na rin ako ng kopya."

Deborah: The Witch of IncantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon