"Deborah! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nanggaling?" Bungad sa akin ni Agoth habang pinapaypayan niya si Agathon. Dumapo sa magkahawak na kamay namin ni Caylus ang mga mata nilang magkapatid.
"Uh, Deborah, alis muna ako." Tumango ako kay Caylus at naglakad na siya palayo. Napasadahan ko ng tingin si Agathon na nakasimangot.
"Uuwi na ko."
"Teka, Agathon, nahihilo ka pa! Griffin, pakihatid nga 'yang si Agathon! Paki-alalayan na lang muna. Salamat."
Inakay palayo ni Griffin at Rand si Agathon hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin ko. Inikot ko ang mata ko at hinanap sa paligid si Mathilda. May kailangan akong itanong sa kaniya na sa kaniya ko lang puwedeng itanong.
"Deborah!" Pabagsak na umupo sa upuan si Agoth at parang batang naglumpasay sa dahil hindi nabilhan ng regalo.
"Napano ka?" tanong ko at umupo sa kalapit na upuan sa tapat niya.
"Wala ka kasi rito kanina! Naiinis ako!"
Nakita kong nilukot ni Agoth ang ibababang bahagi ng kasuotan niya at nakayukom ang kamay niya.
"Napano ka ba?"
"Kung nandito ka lang kanina! Makikita mo kung ilang babae ang umiyak! Kahit ako naiinis eh! Hayyy! Ang sarap sabunutan!"
"Huh? Ano bang nangyari?"
"Haist." Bagsak balikat at tila nawalan ng enerhiya si Agoth sa naging reaksyon niya. "Hinalikan ni Venus si Ares."
"Oh? Tapos?"
"Anong 'oh? Tapos?' seryoso? Yun lang sasabihin mo? Alam mo ba kanina may naglumpasay dito nang makita 'yon? May nagbasag pa nga eh! Tapos ikaw, 'yan lang ang reaksyon mo?"
Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan. "Tapos? Natural lang naman na maghalikan sila, 'di ba? Kasi magkasintahan sila---"
"Ano??!" Napatayo sa upuan si Agoth. Napano ba ang babaeng 'to? Ganito ba nagagawa sa kaniya ng kabaliwan sa lalaki?
"Ibig bang sabihin, yung eksena niyong pahawak-hawak ng kamay ni Caylus, ibig ba sabihin naghalikan kayo?"
"Ano?" Napataas ang boses ko sa sinabi ni Agoth.
"Ano? 'Di ba normal lang 'yon sabi mo sa magkasintahan? Eh kayong dalawa ni Caylus gano'n di-----jsgayudkand!!"
Tinakpan ko ang bibig ni Agoth bago pa may makarinig ng pinagsasabi niya. Oo, marami nang nakakaalam na kami ni Caylus. Pero nakakahiya ang pinagsasabi ni Agoth.
"Oo na! Tama ka! Napakawalanghiya nina Venus at Ares para maghalikan sa harap ng marami! Walang respeto ang mga 'yon! Hindi man lang nila naisip na---"
"Hindi naisip na ano?"
Halos masemento ako sa kinatatayuan ko nang may magsalita sa likod ko. Maging ang mga mata ni Agoth ay nanlaki nang makita niya ang nagsalita. Unti-unti kong binitawan si Agoth para lingunin ang nagsalita at bumungad sa akin yung Ares.
"Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo. Kung pag-uusapan at pagsasalitaan mo ng masama ang ibang tao, hinaan mo ang boses mo o mas mabuti pang manahimik ka na lang. Magalit ka na lang kung ikaw ang hinalikan ko."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya habang ang parehong kamay niya ay nakasilid sa magkabilang bulsa.
"Ano daw? Magalit para halikan niya? Tama ba pagkakaintindi ko?" bulong ni Agathon.
"Magalit daw!"
"Hala! Magalit daw tayo!!"
"Teka! Maghanda kayo! Magwewelga tayo sa harap ni Ares!"
"Tapos hahalikan niya tayo?"
"Oo!!!"
Napangiti ako sa narinig ko mula kay Ares. Hindi doon sa parteng hahalikan niya ako. Si Ares, may pinapaalala siya sa aking tao na matagal na nawalay sa akin. At 'yon ang dahilan bakit napangiti ako.
Napasadahan ng mata ko ang babaeng tumakbo palayo, palabas ng silid.
"Teka Agoth..." Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Agoth na nagkaroon na ng pagpaplano kasama ang ibang kababaihang baliw kay Ares.
Mabilis akong tumakbo para habulin ang babaeng tumakbo palabas at hinawakan ko siya balikat nang maabutan ko siya. Malapit na magtapos ang sayawan. At malapit konna ring makakaharap ang ama ni Caylus. Kaya kailangan ko ang payo ng babaeng 'to kung tutuloy ba ako o ano.
"Matt."
"Deb, kinabahan ako sa 'yo! Akala ko naman kung sino na ang humawak sa balikat ko."
"Math, may tanong ako---"
"Teka muna! Saan ka galing? Saan ka dinala ni Caylus?"
"Ayos lang ako. Ayos lang kami. Pero, Matt, 'di ba gusto akong makilala ng pamilya ni Caylus? Tutuloy ba ako o hindi?"
"May tao."
Hinila ako ni Mathilda sa sulok, sa madilim na parte, para hindi kami makitang dalawa. Napag-usapan namin kanina na iwasan naming makita kami ng iba na magkausap para iwasan ang mga tanong sa akin kung sino ang misteryosong babaeng iyon. Hinantay muna namin na makaalis ang mga dumaan bago kami muling nag-usap.
"Ikaw? Ano ba ang gusto mo?" balik na tanong sa akin ni Mathilda.
"Hindi ko alam. Anong klaseng tao ba ang hari?"
"Hmmm. Hindi ko rin sigurado. Pero kung gusto mong tuluyang mabuksan ang katotohanan kung ano nga ba talaga ang nangyari noon, sa tingin ko, kailangan mong tumuloy. Isipin mo, baka opurtunidad lang ito na isang beses lang kakatok sa pinto mo. Hindi mo rin malalaman ang susunod na mangyayari kung hindi mo susubukan."
"Eh paano kung magkamali ako sa ginawa kong hakbang?"
"Kung hindi ka gagawa ng hakbang, wala kang mararating."
~•~
Nag-aantay ako ngayon sa tapat ng fountain. Pinagmamasdan ko ang pagsayaw ng kristal na tubig at makulay na ilaw habang nag-aantay kay Caylus. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa tubig at inilahad ang kamay ko para masalo ang ilang butil nito.
"Tara na?" Nilingon ko si Caylus. Nakatayo na ito ilang metro ang layo mula sa akin at nag-aantay. Agad akong tumayo. Nauna siya sa aking maglakad at nakasunod lang ako sa likod niya. Siya pa rin naman si Caylus. Yung Caylus na nakilala ko noon. Pero ngayon, pakiramdam ko umiiwas siya sa akin.
Naglakad kami papunta sa lugar kung saan niya iniwan ang walis niya at ang walis na hiniram niya sa hindi ko alam kung sino. Inabot niya ito sa akin. Nauna siyang lumipad at sinundan ko ang daang tinatahak niya.
"'Wag kang kabahan. Walang mangyayaring masama sa 'yo."
Tinapunan ko siya ng tingin sandali bago ko ibalik sa nililiparan ko ang mga mata ko.
"Alam ko."
"Puntahan mo ang lugar na sinasabi mo pagkatapos nito. Habang mas maaga pa, gawin mo na lahat ng dapat mong gawin. Kung ako sa 'yo, 'wag kana muna pumasok. Nandito ka hindi para mag-aral. Magagawa mo 'yon kapag nasigurado mo na ang kaligtasan ninyo ng pamilya mo. At mamaya, kapag nagtanong sila tungkol sa pamilya mo, ako na ang bahalang magpaliwanag. Ako na ang sasagot sa kanila tungkol doon. Basta sabayan mo na lang ako."
Akala ko doon na nagtatapos ang sasabihin niya. Pero may idinugtong siya... May kahulugan ito, may nais itong iparating. Pero hindi ko ito malalaman ngayon, kundi sa tamang ngunit huling panahon.
"Sana, 'wag mo akong kamuhian..."
BINABASA MO ANG
Deborah: The Witch of Incanta
خيال (فانتازيا)The story is all about a Witch who will save her lost homeland from permanent oblivion because of the wicked wizard who ruled the kingdom of Majestas. Witches and warlocks were considered as an imaginary ugly creatures who were only made to frighten...