Halos mabali ang higaan nang ibagsak ko ang sarili ko sa kama. Sobrang pagod ang katawan ko pero hindi ang utak ko. Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi sa akin ni Caylus.
Nakahanda siyang alamin ang pagkakatao ko. Marahil ay nagdududa siya sa akin at kung saan ako nagmula. Kaya kailangan bilisan ko rin ang pagkilos bago pa niya ako makilala. Kailangan kong makahanap agad ng lunas para kay Darim. Kailangan kong malaman kung bakit ganoon ang interpretasyon ng mga wizard sa mga witches at warlocks.
Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga nang may sumagi sa utak ko.
"Hindi ko alam kung alam nila kung asan ang Incanta..."
Agad akong napalingon sa pinto nang bumukas ito at bumungad sa akin ang kasama ko sa kuwarto. Alam ko na ang pangalan niya, siya si Matilda.
"Mat," pagtawag ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha niya.
Ilang minuto pa siyang nakatayo sa pinto, hindi nakalampas sa paningin ko ang parang pagtutubig ng mata niya.
Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at mabagal na isinara ang pinto. Dumiretso siya sa bookshelf at hindi pinansin ang pagtawag ko sa kanya. Siya lang ang puwede kong pagtanungan tungkol sa Incanta. Nararamdaman kong siya lang ang puwede kong malapitan dito.
"Siguro naman ay mabait siya sa mga taong mabait sa kanya..."
"Uhm, Mat," pagtawag ko ulit. Napansin kong sandali siyang tumigil sa kanyang ginagawa pero agad din siyang bumalik.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa higaan at humakbang papunta sa direksyon niya.
"'Wag kang lumapit sa parte ko," usal niya pero nagmatigas ako. Kailangan kong kapalan ang mukha ko kung gusto kong makakuha ng impormasyon.
"Ma itatanong lang ako."
Bumuntong hininga siya at naglakad sa study table niya. Hinila niya ang upuan at umupo siya doon. Bitbit niya ang mga librong kinuha niya sa shelf.
"Alam mo ba kung saan ang Incanta?" tanong ko at naglakad palapit sa study table niya. Isang mahina ngunit mapangutyang tawa ang pinakawalan ng mga labi niya.
"Para kang bata," usal niya.
Nagkunot naman ang noo ko sa naging sagot niya.
"H-huh?"
"Para kang bata. Para kang batang nagpapaniwala sa kuwento-kuwento."
Kumuha siya ng tela at pinunasan ang isa sa mga librong bitbit niya.
"Sabi nila, mga paslit lamang ang naniniwala na totoo ang Incanta at kung saan ito matatagpuan. Sabi nila, ang Incanta ay isa lamang lugar na namuo sa utak ng mga wizards. Sabi nila, napakayaman ng lugar na Incanta. Doon matatagpuan ang makabagong teknolohiya na mas makabago pa kaysa sa mga makikita dito sa paaralan. Sabi nila, ang Incanta ang bayan ng mga pantas—mga pantas na sobrang matatalino. Pero..."
Hinila ko ang upuan sa study table ko at pumwesto ng upo sa harapan niya.
"Pero walang may makapagpatunay na totoo ang Incanta," dagdag niya.
"Totoo ang Incanta! Galing ako sa Incanta! Iyon ang bayan ko!"
Nanatili akong tahimik habang puno ng katanungan at reklamo ang utak ko. Pilit ko isinisiksik ang kaalamang narinig ko.
"Tatlong taon na ang lumipas nang maghalughog ako ng impormasyon kung saan ang Incanta. Kung totoo man ang lugar na iyon, gusto kong puntahan 'yon. Gusto kong maging matalinong pantas sa bayan na iyon. Pero puro kuwentong bayan lamang ang natagpuan ko at walang aral na nakapagpatunay na totoo nga 'yon."
BINABASA MO ANG
Deborah: The Witch of Incanta
Viễn tưởngThe story is all about a Witch who will save her lost homeland from permanent oblivion because of the wicked wizard who ruled the kingdom of Majestas. Witches and warlocks were considered as an imaginary ugly creatures who were only made to frighten...