"Sheleen, uwi na kami." Nagpaalam na si Atasha sa akin. Lumapit naman sa akin si Russel.
"Coleen, alis na ako. Sorry." He kindly said it to me. Mabait naman ito alam ko yon pero parang medyo nakaka-offend kasi kaibigan ko siya kilala niya kung sino ako at hindi ako yung taong sinasabi niya kanina, pero okay nayon.
"It's okay. Uwi kayo ng maayos ah." Ngiti ko sa kanilang dalawa.
"Ate Shawn and Tita Nash uwi na po kami." Paalam ni Atasha. Sabay na silang umuwi ni Russel.
Nang makauwi na ang dalawa ay naligo na ako dahil may practice kami mamaya. Binilisan ko lang ang ligo ko dahil ang lamig ng tubig.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako. Mabilis kong inayos ang sarili ko kaya naman napag-isipan kong pumunta na sa church ipang mag-practice.
"Tita Nash, alis na po ako." Nagpaalam na ako kay Tita dahil pupunta na nga ako sa church.
"Sige ingat ka, pero wala ka bang kasabay?" Tanong ni Tita sa akin habang naglilinis ng sala.
"Wala po." Diretsang sagot ko.
"Si Rafael, hindi na kayo sabay magpractice? Diba dati sabay kayo?" Singit naman ni Ate Shawn.
"Sige po alis na ako." Nilisan ko na sila dahil ayoko ng malaman pa ni Ate ang isyu.
Lumabas na ako ng bahay at naghanap na ng tricycle. Hindi naman ako nabigo dahil may nagsakay na sa akin. Tahimik ko lang na tinahak ang daan papunta sa church namin. Mabilis lang ako nakarating sa church. Binigay ko na ang bayad ko at bumaba na sa tricycle.
Diretso lang akong umakyat sa taas dahil doon kami nagpapractice.
"Sheleen." Tawag sa akin ni Tori.
"Yes?" Sagot ko pabalik.
"Ikaw daw mag back-up sabi ni Ate Clea." Sabi ni Tori sa akin at iniwan na ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at tahimik na umupo sa upuan kung saan nakapwesto ang mga back-up during practice.
"Hey, Sheleen!" Bati sa akin ni Ate Clea. "Back-up kita, kailangan ko ng magsesecond voice sa akin." Nakangiti niyang wika sa akin.
Tumango naman ako at binigyan siya ng isang malawak na ngiti mula sa aking mga labi. Binigay niya na ang line up niya at inaral ko naman iyon. Habang inaaral ko ang kanta ay naalala ko na kasama ko nga pala si Gio bukas. I hope pumunta talaga ito.
"Sheleen, tapos munang aralin?" Tanong sa akin ni Ate Clea.
"Yes po."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Guys, paalala ko nga lang pala sa next month na ang October Praise kailangan na nating magpractice dahil tayo ang naka-assign sa Praise and Worship." Paalala ng aming music directress, si Ate Fae.
"Ako po Ate Fae! Lead guitarist niyo po." Taas ng kamay ni Kuya Jed.
"Okay, sige sino ba mga free? Para makapag practice na tayo." Muling tanong ni Ate Fae.
"Ate pwede po ba ako sa isang gitara?" Muli kong narinig ang boses ng lalaking ito.
"Oh, Rafael ofcourse. Why are you late?" Pagbigay tuon ni Ate Fae dito.
"Ate sino po ba songlead?" Tanong naman pabalik ni Rafa. Hindi niya sinagot ang tanong ni Ate Fae. What's with him again kaya?
"Si Sheleen, pwede ba?"
BINABASA MO ANG
Journey To The Right Path
SpiritualOur journey wouldn't be easy, but striving it will always give us fruitful and a worth fight.