Years pass by and I graduated as Cum Laude, as I dream. Napakasaya na yung dream mo nakamit mo, walang kasing saya. Credits to you Lord!
IF YOU BELIEVE YOU CAN,
YOU WILL."Anak, picture tayo." Tinawag ako ni nanay. Umuwi siya after ten years para lang masaksihan ang pagkamit ko ng diploma ko.
Ngumiti ako kasabay si nanay.
"Kami naman ni Shekinah." Ibinigay ni Tita Nash ang cellphone niya kay nanay at siya na ang naman ang nagkiha ng litrato sa amin.
I do same smile and poses with tita. Matapos ni Tita Nash ay sina Tita Marices at tito pastor naman ang sumunod. Sumunod nadin si Ate Shawn sa pagpapapicture. We take a lot of selfies while my mom wear my medals and my Tita Nash holding my certificate. Si Tita Marices naman ay sinuot ang toga ko.
God thank you for this!!! I love this!!!!!
Matapos naming magpicturan ay kumain kami sa labas. Saglit lang kaming kumain dahil may gawain pa daw sa church sila Tito Pastor at Tita Marices. May gawain daw ang youth kaya hindi na nakasama si Nathan.
"Sheleen, bukas ka na kaya umuwi. Doon ka muna matulog sa amin. Sumama ka sa gawain ng mga kabataan." Sabi pa ni Tita Marices sa akin.
"Paano ba yan? Uuwi na kami. Maiwan ka na Sheleen." Ani pa ni Nanay.
"Sige po, ingat po kayo." Bumeso ako sa kanila bago sila umalis.
Nagtake-out muna si tito pastor ng pagkain para daw sa guest speaker na kinuha ni Nathan. Tinanong ko kung sino ito pero hindi din daw nila kilala, tanging si Nathan lang ang nakakalam kung sino ito.
"Tara na."
Sumakay na kami sa kotse ni tito pastor. Sa backseat ako sumakay dahil sa passenger seat si tita.
Mabilis kaming nakarating sa church dahil wala masyadong traffic kahit friday ngayon.
Pagkababa ko pa lamang sa kotse ay nakita ko na kung gaano karami ang sasakyan. Madami sigurong youth ang umattend. Succesful na talaga si Nathan pagdating sa pagwiwin ng souls.
"Tita, mauuna napo ako." Nagpaalam ako at mabilis na pumasok sa loob ng church.
Balak ko sanang umupo sa bandang unahan. Ngunit sa paglalakad ko naging pamilyar ang boses ng nagsasalita sa stage ngayon. Hindi ko makita ang mukha niya para kumpirmahin pero habng papalapit ako ay nakumpirma ko na, si Gio ito.
Umupo nalang ako at nilabas ang cellphone. Magchachat-downs ako ng sasabihin ng speaker. I need to focus to God's message. Hindi kailangan maapektuhan sa taong nasa harap mo ang salita ng Diyos.
"At may tao talaga na kahit nasa church, patuloy sa pagkalikot ng mga cellphone nila."
Nagulat ako ng sandaling tumahimik ang nagsasalita. Nagulat ako ng nasa harapan ko na ito.
"Diba miss." Tumingin ito sa akin ng mata sa mata.
"Ahhhh.....sinusulat ko lang po yung sinasabi niyo po." Sumagot ako ng labag sa loob.
"Anyway, let's go back." Bumalik ma siya sa pagsasalita. "Minsan kailangan nating mag-let go para maitama ang pagkakamali natin. Kuya Gio, masakit pong magletgo hindi ko po siya kayang iwan." Nagtawanan naman ang crowd sa sinabi niya.
"Kahit ayaw mo wala kang magagawa basta will ng Lord. Kailangan nating masaktan para maging maayos tayo. Mga kapatid, trust me. Dapat matutong tayong bumitaw kasi may matutunan tayo. Hindi kasi sa lahat ng panahon tama ang katagang kapag nasa katwiran ka ipaglaban mo. Minsan, learn hiw to give-up, yeah maybe not at all but learn how to let go. Tried and tested, subok na." Paliwanag niya ng mahabang-mahaba pero nakinig ako.
BINABASA MO ANG
Journey To The Right Path
EspiritualOur journey wouldn't be easy, but striving it will always give us fruitful and a worth fight.