Pumasok ako sa dorm ng nakangiti kaya naman napansin ako ni Ate Nene.
"Anong meron?" Nakangiting tanong sa akin ni Ate Nene.
"Wala lang, im just happy as always." Sagot ko at saka humiga.
"Kumain na tayo para maaga ka makatulog." Wika niya ulit.
"Ate, uuwi po ako bukas sa amin." Paalala ko.
"Saan ka pupunta? Uuwi ka ba?"
"Opo."
Nagpalit na ako ng pambahay na damit. Sabay-sabay na kaming kumakain. Naagaw naman ng cellphone ko ang atensyon nila.
"Sheleen, may tumatawag sayo." Turo ni Rosh sa cellphone ko.
"Okay, excuse me. Sasagutin ko lang."
"Sige, bumalik ka ah." Nakangiti si Gail nang sinabi niya ito.
Sinagot ko na ang tawag.
"Hello." I uttered.
"Hey, kumain ka na ba?" Tanong niya mula sa kabilang linya.
"Kumakain na ako ngayon, eh kaso tumawag ka."
"Sorry, sige kumain ka na muna."
"Huwag na, tumawag ka na eh." I insist.
"Okay fine. Pero may lakad ka ba bukas?"
"Uuwi ako bukas sa amin."
"Gusto mo ihatid kita?"
"Wag na, baka magsuka ako ulit sa kotse mo." I joke and I hear how he laugh. Nakakatawa din yung tawa niya.
"Sige, ingat ka ah. Kain ka na ulit. Just text me if you need me. Bye." Nagpaalam na siya sa akin.
Ganito din si Rafa sa akin noon. Ganito din siya noong nililigawan niya ako. Hindi pa kami pero sweet sweet lang. I control ofcourse, cause im a christian. First priority ko ang Diyos, at naghahanap din ako nang lalaki na Diyos ang first priority.
"Kain ka na ulit." Aya sa akin ni Gail.
Kumain naman na ako at nag-urong ng makatapos. Nagdasal muna ako bago matulog. I saw Ruth, she's praying too I think. I hope she is. Nang makatapos ako sa pagdadasal ay natulog na ako.
Nagising ako sa maingay na alarm ng cellphone ko. Mabuti naman at ako lang ang nagising sa ingay na iyon. Nag-ayos na ako ng mga gamit hanggang sa nakatapos na din ako sa pagligo. After kong matapos ang lahat ng mga gawain ko ay nagpasiya na ako na umalis.
Bumaba na ako sa dorm at sumakay hanggang sa makarating sa terminal ng bus. Nakasakay naman ako ng mabuti. Natulog lang ako buong biyahe. Nang malapit na ako ay agad na akong tumayo. Nakakapit ako ngayon sa bakal. Nang magpababa na ang konduktor ay naghanap na agad ako ng tricycle na masasakyan. Nang makapunta ako ulit sa sakayan ng yricycle, naalala ko na may ibinigay sa akin si Ate Mitch na invitation. At bukas na iyon.
"Sheleen?" Naagaw naman ng boses na ito ang atensyon ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Russel.
"Oh, saan ka galing?" I ask him. Pinasakay niya na ako sa tricycle maging siya ay pumasok na din.
"Nagpunta ako kayla Kyle."
"Anong ginawa mo doon?"
"Wala lang, tuwing friday ako umuuwi para hindi na ako mahirapan sa saturday." Paalala niya. Magkalapit lang kami ng uni at gaya ko umuuwi uwi din siya. Siya ay friday ng gabi umuuwi at ako naman ay saturday ng madaling araw.
"Uuwi ka na ba ngayon?" I ask him.
"Yes, ikaw ba?" Tanong niya pabalik. Tinanguan ko lang siya at saka inilipat ang tingin sa daan. "Sheleen?" Muli niyang sambit sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Journey To The Right Path
EspiritualOur journey wouldn't be easy, but striving it will always give us fruitful and a worth fight.