Chapter 55: The One He Want

12 4 0
                                    

"Ouchhh!!!" Sigaw ko sa sakit. Binuhusan ata ni Gio ng alacohol ang sugat ko.

"Sorry."

"Hindi ka naman marunong eh." Reklamo ko.

"Marunong ako."

Inialis ko ang kamay niya at kinuha ang bulak na hawak niya.

"Ako na." Sabi ko sa kanya.

Pinabayaan niya na ako. Dahil sa maliit na sugat na ito ay dinala pa ako ni Gio sa condo niya para gamutin ito.

"Gio, uuwi na ako. Magtataxi nalang ako." Sabi ko dito habang nililigpit ang medicine kit na inilabas niya.

"No, hatid na kita." Tinulungan niya na akong ligpitin ang kit.

Labas na kami dalawa at pinuntahan na namin ang kotse niya. He open the door for me.

"Gio, nasaan na yung mga pinsan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Hindi ko pa sila nakakausap ng matino." Seryosong saad nito.

"Talk to them."

"Ginawa ko na." Seryoso padin ito.

Hinayaan ko na lang na ganoon siya. Naihatid niya na lang ako ng tahimik.

"Salamat, ingat ka." Paalam ko dito.

"Sheleen, sorry kung nagsusungit nanaman ako. Ingat ka ha, bye. Love you." Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi ni Gio sa akin.

"Okay, bye. Love you." Sa wakas, nasabi ko na din.

"Nga pala, ay bukas na lang pala. Sige an pasok na." Pinapasok niya na ako. Gusto ko pa sana siya kulitin tungkol sa sasabihin niya pero wag na pala.

Pumasok na ako agad sa dorm namin at nagpalit ng pambahay. Naalala ko na bukas na ang start ulit ng klase ko. Pagod nanaman ako.

Natulog na lang ako. Nagising ako ng maaga dahil sa may pasok na ako ngayon. Bumangin ako na masakit ang ulo. Dama ko na bitin ang tulog ko.

Tumayo na ako at naligo kahit masakit ang ulo ko. Matapos maligo ay bumaba na ako. Alam kong hindi ako ihahatid ni Gio. Hindi ko din kasi nasabi sa kanya na ngayon na ulit ang simula ng pasok ko. 

Sumakay na ako ng jeep. Hindi ko naman akalain na sobra akong matatraffic ngayon. Kaya nagpasiya na kong bumaba at maglakad nalang.

Pawisan na ako na ng makarating sa uni ko. Hindi ko na ininda pa ang init na nararamdaman ko.

"Oh, siya yung girl na kasama ni Gio."

"Ano kayang trip ni Gio?"

"May bagong pakulo si Gio."

"Gio is nice when it comes to girl na pwede niyang lokohin."

And here we are again. Mga tsismis nanaman. Pero napapaisip nadin ako ngayon, ganon ba kasikat si Gio sa uni namin para malaman nila lagi kung sino ang kasama ni Gio.

Habang papunta ako sa unang klase ko, napansin ko si Sheena. But shock me the most is, she's with Michelle. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang marating ang klase ko.

Naging lutang ako ng buong klase. Iniisip ko kung bakit magkasama si Sheena at Michelle. Sabi kasi ni Bana na galit sila kay Michelle, dahil mangagamit daw ito pero look she's with that girl.

Matapos ang klase namin ay sumabay si Keith at Harold sa akin sa paglabas.

"Gala tayo." Aya ni Harold.

"Nako, si Sheleen mapapasama mo sa ganyan? That's impossible!" Malakas na salita ni Keith.

"Hindi naman sa-"

Journey To The Right PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon