Chapter 66: A brother

12 3 0
                                    

Nanatili muna ako dito sa Manila, dahil dito ako pinagbakasyon ni Tita Marices. Madaming gawain ang youth, at lagi kaming nagakakasama ni Nathan, and ofcourse Gio.

"Sheleen, pwede bang ikaw magpa-awit sa youth service natin?" Nathan ask me.

"Opo naman, Pastor Nathaniel." Biro ko dito. Mukha kasing magpapastor na talaga siya. Hindi ko nga natatanong kung may girlfriend na ba siya.

"Bait mo talaga." Ginulo niya ang buhok ko.

"Pastor?"

"Anong pastor?" Natawa na siya.

"May girlfriend ka na ba?" Natawa ako ng nagtanong ako sa kanya.

"Bakit mo tinatanong?" Kiniliti niya akong bigla.

"Ano nga?" Pinigil ko na siya sa pangingiliti niya.

"Wala." Sumimangot ito. "Ihanap mo nga ako."

"Bakit wala pa?" Tinanong ko ulit siya.

"Mas mahal ko si Lord." Sagot niya.

"Pero nagkaroon ka na?" Pangungulit ko dito.

"Oo naman, sa gwapo kong to." Nagpapogi pa siya.

"Sino? Ilan? Bakit kayo naghiwalay?" Pinupush ko siya na sumagot sa akin.

"Hindi mo kilala kaya hindi ko sasabihin. Ilan? Isa lang. Bakit kami naghiwalay? Kasi mas mahal ko si Lord kaysa sa kanya, at hindi niya kayang gawin yon. Kung hindi niya kayang mahalin ang Lord, hindi ko nadin siya mahal."

"Bakit hindi ka naghanap ulit?"

"Sheleen, mayroong tinawag sa pag-iisa at meron ding tinawag kayo para sa isa't-isa. At sa tingin ko, walang babaeng nakatadhana para sa akin. Siguro nga ako ang pinalasap pero hindi pinatikim." Natawa ako sa sinabi niya.

"Sayang kagwapuhan mo." I pinch his cheeks.

"Ikaw nalang kaya jowain ko." Napahalakhak ako sa sinabi niya. 'Jowain' hahahaha.......

"Ikaw bahala. Ligawan mo ko." Pagsakay ko sa kalokohan niya.

Natawa nalang kami sa isa't isa. Hindi ko maimagine kung si Nathan ang boyfriend ko. He is just my brother, brother in Christ forever.

Matapos naming mag-usap ni Nathan ay nagpractice na kami para sa mamaya. Mamaya na kasi ang youth service.

Mabilis kaming nakatapos sa practice dahil professional na ang mga kasama ko. Naoatingin naman kami sa bagong dating. It's Gio.

"Bro, sorry late." Lumapit ito kay Nathan.

"Sige, Sheleen pahinga muna tayo." Utos ni Nathan.

Lumapit ako dito at inakbayan naman ako ni Nathan.

"Nakaakbay ka pa." Tjmingin ako dito ng nakakaloko.

"Liligawan nga kita." Nilakas niya ito kaya napatingn ako sa likod at nakita ko agad si Gio. He look not okay.

Pumasok sa loob at nag-ayos dahil in one hour mag-iistart na ang youth service.

Makalipas ang isang oras ay lumabas na ako sa kwarto. Agad akong pumunta sa stage dahil nakaayos na ang mga tutugtog. Nakita kong ang daming youth ngayon. Pero napako ang tingin ko sa isang side. I saw Bana, Sheena, Kyo, Aki, Jodell and Michelle.

"🎤At break of day, in hope we rise
We speak our lips, we lift our eyes.
Tune our hearts, into your beat
Were we've walk there you'll be🎤"

"Clap our hands." Mabilis kong adlib.

"🎤With fire in our eyes
A love still light
Your love untamed, it's blazing out.
The streets will glow forever bright
Your glory's breaking through the night!🎤"

Journey To The Right PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon