Chapter 36: Testimony and Acceptance

15 3 0
                                    

Hinatid kami ni Gio at nagpaalam na din siya dahil medyo gabi na daw. Sabay-sabay kaming pumasok sa dorm at naghain nang makakain.

"Sheleen, alam mo ba ang galing nang tumutugtog kanina?" Wika ni Gail habang may mga kanin sa bibig niya.

"Oo nga, bakit hindi sila sumasali sa mga contest?" Interesadong tanong ni Juda.

"Kasi they are not a performer, they are worshipper." Sagot ko at saka sabay subo nang sabaw.

"Well, maganda naman talaga ang nangyari kanina. They just proving one quotation na to God be the Glory." Nakangiting bigkas ni Ate Nene.

"You got it." Wika ko habang nakaturo ang index finger ko sa kanya.

Nagkakwentuhan muna kami bago matulog.

"Sheleen, since bata ka ba nagsisimba ka na?" Tanong sa akin ni Rosh, lahat kasi kami nagyon  ay naka-indian sit.

"Opo."

"Baka mag-papastora ka?" Pabirong tanong ni Rosh.

"Im thinking of that." Seryoso kong saad, but im just joking them.

"Really? Wait, I mean are you serious about that?" Kabadong tanong ni Rosh.

"Pinag-iisipan ko pa nga."

"Anyway, Ruth are you fine now?" Pag-iiba ni Rosh.

"Very fine." Matamlay niyang sagot.

"Are you sure?" Paninigurado ni Juda.

"I think im okay now. Oo medyo hindi ko parin matanggap pwro dahil sa pagdala sa atin ni Sheleen kanina sa church, I remember how my father bring me there too. Noong bata ako sabi niya na the more na nasasaktan ka sa kanya ka lumapit." Itinuro niya ang taas, she is pointing to God.

"Tama naman iyon. Sa oras na mas nahihirapan ka, umasa ka sa kanya. Minsan kasi they blame God imbes na sumunod at manalangin nalang. Wala silang masisi kundi ang Diyos." Pagsingit ko.

"Sheleen, ni minsan ba nasisi mo na ang Diyos?" Tankng sa akin ni Ruth.

"I did it before, at nang malaman ko na hindi ko pala mali iyon ay nag-sorry agad ako sa kanya."

"Sheleen, please share your testimony. Dati kasi kapag pumupunta ako sa mga bible study kadalasan mga testimony ng mga pastor at pastora ang pinagsisimulan nang topic. Can you share yours?" Pagpilit ni Rosh sa akin.

"Okay." Pilit kong sagot.

"Start it." Excited niyang sabi.

"Im just four when my Tita Nash bring me on church. Kaya ganadong-ganado ako sumama sa kanya every Sunday kasi sa sunday school namin nagpapamigay nang mga candies, and I love candies. Gusto ko proud sa akin ang mga tao noon, kaya nagpapabibo ako sa church. Nag-mememorize ako ng 26 verses sa harapan ng mga matatanda para masabing magaling ako."

"Pabibo ka pala." Tawa ni Juda.

"Yeah, but when I grow and syempre nagkakaisip ako na-realize ko na si Lord pala ang dapat tumanggap nang papuri at hindi ako. Noong time din nayon nalaman kong hindi pala masaya kapag wala kang tatay at nanay. Iniwan na ako ng tatay ko bagonpa ako ipanganak, while my mother is on abroad since I was three. Kaya sa tita ko talaga ako lumaki. Lahat nang achievements ko sa school, hindi iyon nasaksihan nang magulang ko kung paano ko iyon nakamit. Walang nanay na nagsabi sa akin na you can do it sa mga competition ko. Walang tatay na nagsabi sa akin na ang galing mo anak!" I sarcastically said it. Nakita kong lumuluha na sila.

"Nakipaghiwalay ang nanay ko sa tatay ko dahil lasingero siya and wala daw ambisyon. Nakita ko kung paano naghirap ang nanay ko. To be a single parent is not easy. Tatlo kaming binuhay niya, nagkanda-kuba kuba na siya para lang may mapakain at mapag-aral kami. Im so proud of her, even though hindi niya na pinakita sa akin ang tatay ko okay lang iyon. I see how she love us, to sacrifice your own happiness just for someone is not easy. Alam kong mahal niya ang tatay ko, pero nagawa niyang iwan iyon dahil alam niyang wala namang ibibigay na magandang buhay ang tatay ko sa amin."

Journey To The Right PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon