Nang matapos ang usapan namin ni Gio ay agad akong natulog. Nagising naman ako nang magring ang alarm clock ko. Hinampas ko ito ang hanggang sa napatahimik ko na siya.
Naligo ako at nagsuot nang white dress, wala lang gusto ko lang nito. Ako ulit ang pinagdrive ni Tita Nash nang kotse. Maayos ko naman silang naihatid. Bumaba na ako at nagbless sa mga elders namin. Umupo na ako katabi ni Ate Blessie.
"Sheleen, ikaw magturo sa bible study ng youth sa isang linggo." Request ni Ate Blessie.
"Bakit ako eh ikaw ang-"
"Kapag para kay Lord,"
"Kailangan mag-yes at bawal mag-no." Pagtuloy ko sa sasabihin niya.
"Sige, magsisimula na ang praise and worship."
Pumalakpak ako at umawit. Everytime na nagpepraise and worship ako binibigay ko ang the best ko kahit hindi ako ang nasa pulpito. Dahil ang puso ang tinitignan nang Lord.
Natapos na ang praise and worship at nagsimula naman nang magsalita si Pastor Melvin. Naging makabuluhan ang topic niya sa akin. Nang makatapos na din si Pastor Melvin sa pagsasalita ay nagpaalam na ako dahil may pupuntahan pa ako. Pumayag naman si Tita Nash. Iniwan ko ang kotse at namasahe na lang ako. Pinuntahan ko ang adress na nakalagay sa invitation.
Nang makarating na ako ay napansin kong simple ngunit maganda ang naging handaan ng anak ni Ate Mitch.
"Sheleen!" Tawag sa akin ni Ate Mitch habang buhat ang anak niya.
"Ate, sorry hindi na ako nakapunta sa misa. Christian born again din po kasi ako."
"Okay, lang iyon. Sheleen, sige na kain ka muna." Pag-aya niya sa akin. "Tabihan mo muna iyong kapatid ko." Turo niya sa babaeng nakangiti sa akin.
"Ate, pwedeng pabuhat nang inaanak ko?" Hiling ko.
"Sige, sama ka na muna anak kay ninang Sheleen." Iniabot na nga nito sa akin ang bata.
"Ano pong pangalan niya?"
"Sheleena." Sagot niya sa akin. "Isinunod ko sa pangalan mo."
"Wow naman ang cute." Wika ko habang nakatitig sa bata.
"Sige kain ka muna."
Nagulat ako nang dalhan ako nang kapatid niya nang pagkain. Ayoko namang tumanggi sa grasya, kaya kinain ko na ito agad. Nang makatapos ako sa pagkain ay pinicturan ko ang batang kalong ko.
"Ang cute mo naman Baby Sheleena." I said while taking some pictures of her.
Nang mapansin kong nagtext sa akin si Gio ay napatigil ako.
From: Gio
Nasa biyahe ka na ba?"Ate Mitch." Tawag ko sa kanya.
"Bakit?" Nakataas ang dalawang kilay niya sa akin.
"Una na po ako."
"Sige, may lakad ka ata eh." Nakangiti niyang bigkas. "Eto nga pala yung souvenir mo." Iniabot niya sa akin ang baso na may mukha ni Sheleena. Inabutan niya din ako ng bilao na may sandamakmak na pagkain.
"Thank you." Ibinalik ko na si Baby Sheleena sa mom niya. Iniwan ko na sila at umuwi na ako sa bahay.
Hinakot ko na ang mga dapat hakutin sa bahay at saka na ako nagpasiya bumalik sa Manila. Nagpaalam na ako kay Tita Nash at Ate Shawn.
Pumunta na ako sa sakayan ng bus at saka natulog lang sa biyahe. Nagising naman ako nang banggitin ng konduktor ang binababaan ko. Agad akong bumaba at sumakay agad ng jeep. May hinahabol kasi akong oras, dahil sasamahan ko pa sila Gio at ang mga ka-dorm mates ko sa church.
BINABASA MO ANG
Journey To The Right Path
SpiritualOur journey wouldn't be easy, but striving it will always give us fruitful and a worth fight.