Chapter 69: First time

19 4 0
                                    






This is the day. Inihanda ko ang boses ko. Ayokong sirain ang kasal ni Michelle. Nawawala kasi ang maganda kong boses kapag hindi na christian song ang kinakanta ko, lalo nadin kapag marami ang nanonood. Nawa ay hindi ko masira ang kasal mamaya.

Ngayon ay sinusuot ko na nag dress na ipinadala ni Gio. Pinasara ko ang zipper nito kay Tita Marices. Dahil may special na event ngayon, magmemake-up ako.

Ako ang nagmake-up sa sarili ko. Naglagay akong foundation, blush on at nude na color na eye shadow. Nagalagay ako ng lip tint. Simple look lang tayo.

Matapos kong magmake-up ay nagtali akong messy bun. I think, bagay naman sa look ko. Sinuot ko ang mint green kong heels para pares sa dress ko.

Lumabas ako sa kwarto at natawa naman ako sa reaksyon ni Nathan.

"Babe, is that you?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Kambal ko lang si Sheleen." I joke.

"Let me take you a picture." Suggest ni tita.

I smile as she click the cameras button. Sumali si Nathan sa picture. Sumunod nadin si Tita Marices at tito pastor.

"You are so beautiful, hija." Binulong sa akin ni tito pastor.

"Thank you, tito." Niyakap ko siya.

"Maghanap kang boyfriend na deserve ang ganda mo, inside and outside." Natouch naman ako sa sinabi ni tito pastor.

Nangiti nalang ako sa sinabi ni tito pastor. Nalingon ko naman ang cellphone ko ng tumawag si Gio sa akin.

"Hello?" I uttered to him.

"Dadaanan kita. Malapit na ako."

"Okay."

Nagpaalam na ako kay tita at tito maging kay Nathan na lalabas na ako. Sinabi kong si Gio ang susundo sa akin. Sinamahan nila ako na intayin sa labas si Gio.

Hindi ako pinag-intay ni Gio. Dumating naman na kasi siya agad.

Bumaba siya sa kotse niya na nakatuxedo na black at nakablack shoes din siya. Napakafresh ng mukha niya, parang milk. Fresh milk?

"Bro, napakapogi mo naman pala." Nakipagkamay pa si Nathan kay Gio.

"Hindi naman." Lumapit naman si Gio kay tito at tita.

"Pahumble ka pa, hijo." Nagbless naman si Gio kay tito at sinunod si tita.

"Sige tito, tita at Nathan. Alis na kami." Nagpaalam na ako sa kanila.

"Sige, ingat kayo." Ngumiti naman si Nathan. Invited naman talaga si Nathan, pero sabi ni Nathan may lakad siya ngayon. Lagi naman may lakad ang lalaking yon.

Pinagbuksan ako ni Gio ng pinto. Inalalayan niya pa akong pumasok sa kotse. Nang makapasok ako ay pumasok nadin siya.

"Ang ganda mo ngayon." He smile while starting his car.

"Ngayon lang?"

"You are always beautiful. You are the apple of my eye." Binola ako nito.

"Wews!" Alma ko.

Nangiti nalang siya sa sinabi ko. Namayani ang katahimikan sa amin hanggang sa makarating kmai sa reception ng kasal. Medyo malayo ito mula sa lugar namin. Maganda, maluwag at maaliwalas ang reception.

Bago ako bumaba sa kotse ni Gio ay hinarap ko muna siya.

"Ang pogi mo, Pastor Gio." Ngumiti ako dito na nagpangiti din sa kanya.

Journey To The Right PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon