Chapter 68: Taking Back the Past

18 3 0
                                    


Ngayong umaga lamang sinabi sa akin ni Gio na ako na talaga ang wedding singer. Nakalagay na ang name ko sa invitation, may magagawa pa ba ako?

Dahil bukas na ang kasal, wala akong nagawa kundi pumayag nalang na kumanta. Madali lang naman daw ang kakantahin.

Balak ko sanang pumunta ng mall para makabili man lang ng regalo para sa kasal. Lumabas na ako ng gate at nagulat naman ako sa parating na kotse, kung dati ay hindi ito pamilyar ngayon ay kilala ko na kung sino ang driver nito.

"Saan ka pupunta?" Tinanong naman ako ni Gio.

"Sa mall lang, bibiling regalo para sa kasal."

"Sabay ka na." Aya niya.

Hindi na ako naginarte, sayang din ang pamasahe at saka nagvolunteer naman siya. As long na wala akong naapakang tao, go lang.

Hindi ako dinaldal ni Gio at napansin kong tahimik lang siya. Nang makarating kamis a mall ay doon niya lang naisipang magsalita.

"Ano bang gift ibibigay mo?" He ask me.

"Ano bang maganda? Ikaw ano bang ibinigay mo?" I ask him back.

"Crib." Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.

"Bakit crib-" naphinto naman ako ng maalala ko na buntis na nga pala si Michelle. "Oh!" Napatalon naman ako ng magets ko.

"Sinabi ko kasi kay Michelle na kapag nagkaanak siya ako bibili ng crib." Tumawa pa si loko.

"Anong ibibigay ko?" Nag-aala akong nagtanong. "Suggest naman diyan, tagal niyo ng magkakilala."

"Okay, you want to give them the best gift, right?" Tumango ako sa kanya. "What if, house and lot?!"

"Kung kaya ko lang." Nanlumo naman ang boses ko.

"Don't you get my point? Sheleen, magsasuggest ako sayo ng mga bagay na hindi mo kayang ibigay, why? Kasi gusto ko ikaw mismo ang mag-isip kung ano ba ang pinaka the best na regalong kaya mong ibigay." Nainspired naman ako sa sinabi niya.

Sandali akong nag-isip at salamat naman may pumasok din sa isip ko.

"Paano kaya kung gamit ng baby?" I check him first.

"Good idea!" Nakipag hi-five siya sa akin.

"Let's go!" Inaya ko na siya sa loob.

Pinasok namin ang department store at pinuntahan kung nasaan ang station ng bilihan ng mga gamit ng baby. Nakita namin ang mga feeding bottles, damit, sapatos at marami pamg ibang gamit ng baby.

"Nakabili ka na ba ng crib?" Tinanong ko si Gio.

"Yes, kahapon pa." Ngumiti namn ito sa akin.

"Yes, Mam and Sir, good mornjng po." Binati naman kami ng sales lady.

"Good morning." Kumindat naman si Gio sa babae. Nakita ko naman ang pagkakilig ng babae.

"Ano po ba hanap niyo? Damit po ng magiging baby nyo?" Nagualt naman ako sa sinabi ng sales lady.

"Nope-"

"Does she look chubby?" Biniro naman ni Gio ang babae. "Ganon ba siya kataba para sabihan mong buntis siya?"

"Hindi pa po ba? So, newly weds-"

"Our friend is pregnant and were here to give her a gift." Sinabi ko naman iyon sa sales lady. Mukhang nalinawan na siya.

"So, boyfriend niyo lang po siya?" Ang kulit ng sales lady nato ah.

"No, he is my brother." Ngumisi ako kay Gio.

Journey To The Right PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon