Chapter 65: Our Convo

13 3 0
                                    





Nagligpit na kaming lahat matapos ang outreach program. Ipinamigay na namin ang school supplies na dala ni Gio kanina.

"Gio, salamat sa pag-iisponsore." Nginitian ni Nathan si Gio.

"Always welcome." Ngumiti pabalik si Gio.

Nang matapos na ang pagliligpit namin ay sumakay na kami sa sasakyan.

"Sheleen, tara na." Tinawag ako ni Gio habang kinukuha ko ang bag ko.

Nakita kong pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok nalang ako. Nang makapasok na siya sa loob ng kotse ay pinaandar niya na ito.

"Hindi ka nagugutom?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman, ikaw ba?"

"Oo." Diretsang sagot niya.

"Sige, mag drive-thru-"

"No. Sabay tayong kakain sa kainan." Matapang ang boses niya.

Hindi na ako umalma pa. Nagugutom na din talaga ako. Mukhang ililibre niya ako.

Nagulat naman ako kung saan kami kakain. Sa favorite niyang kainan. Porridge.

Bumaba na ako agad. Sinundan ko siya kung saan siya pumupunta. Nagulat ako ng sa cr pala siya pupunta.

"Sasama ka?" Seryoso ang mukha nito pero alam kong nagbibiro ito. Malakas tama nito eh.

"Sorry, sinusundan ko lang kasi kung saan ka pupunta." Pagpapaliwanag ko.

"Maupo ka na, hahanapin nalang kita."

Umalis na ako matapos ang pag-uusap namin. Umupo lang ako sa isang table na walang tao.

Naalala ko ang mga panahong nandidito kami. He bring me here and he tell his story. Hindi naman sa inaalala ko yon pero parang ganon na nga.

"Malapit ng dumating order natin." Nagulat ako ng magsalita siya mula sa likuran ko.

Umupo ito sa harap ko at nakangiti ito. Hindi ko alam kung bakit lagi siyang ngumingiti pero siguro nga dapat laging happy.

"Sir, Mam, here's your order." Inabot na ng waiter ang order ni Gio. May dalawang lugaw at isang crispy pata.

"Miss it?" Nagulat ako ng magsalita siya.

"Ye-yes." Nautal akong bigla.

"It's been 2 years ago since you eat here, right?"

"Oo nga eh."

"Bakit hindi mo na sinubukang bumalik dito?" Bigla akong napatigil sa pagkain.

"Dahil wala akong-"

"Hindi mo na siya natatandaan." Binara niya naman ako agad. "Sige nga, anong pangalan ng restaurant nato?"

"Lugawan?"

"See, kinalimutan mo na talaga."

"Magkaiba yung kinalimutan sa nakalimutan."

"Alin ka doon sa dalawa?"

"Nakalimutan-"

"Wews!" Nagulat naman ako sa reaksyon niya.

"If you don't want to believe it, then don't believe it." Binigyan ko ng awtoridad ang pagsasalita ko. Susubukan kong magtaray sa kanya.

"Hindi naman sa hindi ako naniniwala, pero I know you Sheleen." Ngumiti ito ng nakakaloko.

"How can you say so?"

Journey To The Right PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon