Chapter 23: His Story

17 3 0
                                    

"Sheleen ang aga mo namang papasok." Wika ni Ate Nene.

"Ate you just woke up late." I told her.

Tiningan nito ang oras sa cellphone niya at nakita nito kung ano talaga ang oras. Kumaripas ito nang takbo sa banyo. Napatawa na lang ako sa kanya, parang ako lang ata sa amin ang nagigising ng tama.

"Wow naman Sheleen, totoo ba." Pagbara ko sa sarili ko.

Dahil sa good vibes ng umaga ko ngayon ay nakangiti ko lanv tinatahak ang daan palabas ng dorm. And then I saw a familiar guy. Siya din kasi yung kasama ko kagabi.

"Sheleen, tara na." Tawag nito sa akin at nagvolunteer pa itong kuhain ang bag ko. Wala na akong nagawa dahil hindi pwedeng yung bag ko nasa kanya tapos papasok ako sa school.

He opens the door for me and give my bag kindly to me. Ano nanaman kayang nakain ng lalaking to.

"Sheleen, sorry nga pala." Humihingi ulit siya ng tawad.

"It's okay." Pagkalma ko sa kanya dahil mukhang sa tingin niya hindi ko siya napatawad.

Habang nagdadrive siya ay ang kanang kamay niya ay hinawak sa kaliwang kamay ko. Ito din yung kamay na ibinagsak niya kahapon.

"Sorry for what happened yesterday. Masakit pa ba?"

"Hindi naman na, pang-ilang sorry mo na ba yan?" I joke him.

Tumawa lang ito hinawakan ang kamay ko ng sobrang soft. Damang dama ko ang laki ng mga kamay niya. Kayang-kaya talaga nitong dakmain ang bola ng basketball. Habang tumatagal mas nakikita ko talaga ang kagwapuhan niya. Kung dati ang jnang tingin ko dito ay hawig ni Lee Jong Suk ngayon hindi na parang walang kapantay ang kapogian niya. "Hey, Sheleen what's wrong with you?"

Nang makarating na kami sa school ko ay may tila para may nais akong itanong sa kanya.

"Gio, nag-aaral ka pa ba?" Tanong ko dito.

"I stop. Kasi financial problem." Seryoso nitong bigkas.

"Really?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Just a joke, pasok na malate ka pa. Basta mamaya ah I'll pick you later. I will call you, im now ready to share everything. For you." Pagkasabi niya nito ay inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko. "Study first, para maganda future natin. Bye doktora!" Pang-asar nito sa akin.

"Future pinag-sasabi mo. Ikaw nga hindi nag-aaral." Bara ko dito.

"Ang kulit mo nag-aaral ako, para sa future natin. Hehehehe......" Nakakabwisit niyang sabi.

"Bye." Nagpaalam na ako. Kung ano-ano na ang nangyayari dito sa lalaking to.

While im walking to the hallway, napansin kong parang ang ibang tao ay nakatinhin sa akin. Hindi naman madami pero nakakailang pa din. Is there something wrong with me.

"Siya yung kasama ni Gio."

"Swerte naman niya."

"Ano ba kayo mas swerte si Gio ganda ng babaeng yan."

"Oo nga maganda nga no, balita ko balibolista yan eh."

Hindi ko na maiwasang marinig pa ang tsismisan ng mga estudyante dito. Binilisan ko na lang ang lakad ko.

"Lord, help me." Usal ko ng mahina.

Pumasok na ako sa unang klase ko. Nakinig lang ako sa mga prof namin kahit medyo may problema ako. I chose to study first.

"Sheleen, sino kasama mo sa paggawa ng thesis?" Tanong sa akin ni Harold, classmate ko.

"Oo nga, gusto mo sa amin ka na lang?" Singit naman ni Keith, classmate ko din. Hindi ko sila close pero panahon na siguro para doon. Basta si Lord ang bahala sa akin, God will guide me.

Journey To The Right PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon