Chapter 40: Wrong in my Face

11 3 0
                                    

Nag-ayos na ako ng gamit at saka ako bumaba. Naalala ko ang bracelet na iniwan ko noon sa pantalon ko. Kinuha ko ito at nakuha ko naman. Nang makalabas na ako sa building ng dorm ay nakita ko na si Russel na  naka-taxi.

"Taxi?" Alanganin kong sabi sa kanya.

"Okay na iyan. Ako bahala sa iyo." Nakangiti niyang sambit. I trust Russel, he is my friend since senior highschool, a bestfriend of mine. Na-friend zone ka na siya pera hindi porin siya natigil.

Hinatid kami nang taxi driver sa sakayan ng bus. Agad kaming sumakay ni Russel sa bus. Nagsuot ako ng earphone habang siya ay headphone ang gamit.

"Sheleen, nagugutom ka ba?" Tanong sa akin ni Russel.

"Hindi, ikaw ba?" Ako naman ang nagtanong sa kanya habang inaalis ang earohone sa tenga ko.

"Hindi rin eh." Tumawa pa ito.

Napatawa na din ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Inalog niya lang ang katawan ko hanggang sa nagising ako.

"Nandito na tayo."

"Sorry." Nagpunas ako ng mukha ko bago ako sumama sa kanya pababa.

Nagpatianod ako sa kanya. Nakarating na kami sa sakayan ng tricycle.

"Huwag mo na akong ihatid, gab nadin kasi." Wika ko sa kanya. Malapit na kasi dito ang bahay niya.

"Sige, ingat ka. Kumain ka and stay healthy, happy birthday. Hahahaha..." Biro niya sa akin. "You look so-"

"Dizzy, ugly, pale or what?"

"Kumakain at natutulog ka ba lagi ng maayos?"

"Definitely, hindi maayos." Sagot ko. "Sige na uwi ka na."

"Okay, keep healthy. Matulog ng maaga at kumain ng tama. Bye!" Paalala niya sa akin. Kuya ko talaga ito.

Sumakay na ako pauwi at mabilis naman akong nakarating sa paroroonan. Bumaba ako agad sa tricycle at nag-doorbell ako agad sa gate namin.

Binuksan ito ni Ate Shawn. Nakita ko na buhat niya ang anak niya.

"Bakit ngayon ka umuwi, diba dapat bukas pa?"

"Umuwi na ako ngayon, wala naman po akong ibang gagawin doon. Ate, tulog na ako."

"Hindi ka na muna kakain." Binigyan niya ako ng daan papasok.

"Bukas na lang." Tipid kong sagot.

Agad akong pumasok at pinisil sa pisngi ni Baby Ash. Nginitian ko lang ang Tita Nash ko at saka pumasok sa kwarto ko. Natulog ako nang mahimbing.

★★★★★★★

"Shekinah Coleen Reyes!" Sigaw ni Tita Nash sa akin. Kahit nasa labas ito ng kwarto ko ay dinig ko pa din ang malakas na boses niya.

Tumayo ako at binuksan ko ang pinto. Nakita kong buhat niya si Baby Genie.

"Hindi ka kumain kagabi?" Masungit na tanong ng Tita Nash ko sa akin.

"Sorry po, kakain na po ako. Maghihilamos lang po ako." Sagot ko sa kanya.

Agad akong pumunta sa banyo at naghilamos. Nakita ko ang mga pagkain sa lamesa. Itlog, hotdog, gulay at mga prutas ang nakahain.

"Kain na!" Sigaw ni Ate Shawn.

"Sarap naman niyan." Puri ko sa mga pagkain na nakahain.

Nagsandok ako ng kanin at ng ulam. Nagpray muna kami. Ni-lead ni Tita Nash ang prayer. We eat quietly, cause this is one of the house rules. Bawal magsalita habang kumakain.

Journey To The Right PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon