"Sheleen, you look so dizzy." Pagpansin ni Rosh sa mukha ko.
"Im fine." Sagot ko.
"Kumakain ka pa ba?" Tanong niya.
"Oo naman, sa cafeteria."
Nang matapos ang usapan namin ay agad kong kinuha ang notebooks at books ko at sinimulan nang mag-review. Hindi na ako ulit kumain. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kaya natulog nalang ako ng makatapos ako sa pagrereview. Inabot ako ulit ng alas-dose nang madaling araw. Kaya naman nang magising ako ay grabe na ang sakit ng ulo ko. Naispan kong uminom na lang ng gamot.
I take bath and pack the things that I needed. After one hour ay pumasok na ako. Tingnan ko ang relo ko at hindi ko na nakita pa ang bracelet na bigay ni Gio.
"Ate Sheleen!" Tawag ni Bana sa akin.
"Bakit?!" Masaya ko din na tanong.
"Anong nangyari sa inyo?" Pag-usisa niya pa.
"Siya na lang ang tanungin mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Bye, pasok na ako."
Sumakay na ako ng jeep at nang ibaba na ako nito sa uni ko ay nakita ko si Keith. Tinawag niya din ako.
"Sabay na tayo." Akbay sa akin ni Keith.
Sabay kaming pumunta sa first class namin. Umupo lang ako at nakinig. Medyo lutang ako dahil inaantok pa ako. Nang matapos ang buong klase ay nagtawag ulit ng practice si Harold.
"Last na practice na natin ito." Sabi ni Harold.
"Sheleen, ayos ka lang ba?" Napansin naman ako ni Jay.
"Ayos lang ako." Sagot ko sa kanya.
Gaya nang dati sintunado parin ako. I pray that I can execute this. Siguro wala nadin akong tamang tulog kaya nagkaganito ako. Nang matapos naman ang practice ay nagkayayaan nang umuwi.
"Sheleen, sabay ka na sa akin." Aya sa akin ni Harold.
"Hindi na."
"Oo nga pala, baka makita ako ng boyfriend mo."
"Wala akong boyfriend." Sabi ko sa kanya at saka siya nilisan.
Sa paglabas ko ng campus ay nakita ko si Bana at ang mga pinsan niya sa isang kumpol. Napansin naman nila ako pwera sa isa.
"Ate Sheleen!" Tawag ni Bana na naging dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ni Gio.
"Sheleen, uuwi ka na ba?" Tanong ni Kyo. "Hatid na ba kita?"
Nginitian ko lang siya at inilingan ko lamang.
"Gio, ikaw hindi mo siya ihahatid?" Nagtanong naman si Sheena kay Gio.
"Kung gusto niya." Nagulat naman ako sa pagsasalita ni Gio.
"Oh, Sheleen, gusto mo diba?" Nakangiting bigkas ni Sheena.
"May pupuntahan pa kasi ako, I am going to buy some books that I needed, hindi na ako nakahiram sa library eh." Pagdadahilan ko, pero totoo iyon kailangan ko din palang bumili ng libro na kailangan ko.
Umalis na ako at sumakay nang jeep. Pumunta ako sa bookstore at nakita ko naman ang book na hinahanap ko. Nagpasiya na akong umuwi dahil kailangan ko ng mag-review.
Bumaba ako sa building ng dorm namin. Sa pagbaba ko ay natanaw ko ang innova ni Aki. Hindi ako nagkamali dahil nandoon nga siya at ang mga pinsan niya.
Dumiretso lang ako para hindi na nila ako mapansin pero dahil sa tinis ng boses ni Bana ay narinig nilang lahat na nadoon ako. Isinigaw kasi ulit ni Bana ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Journey To The Right Path
SpiritualOur journey wouldn't be easy, but striving it will always give us fruitful and a worth fight.