"Sheleen, how's you day?" Tanong sa akin ni Rosh. Ngayon alam niya na ang tungkol sa amin ay maaring maging tanong niya na lagi ito sa akin.
"Okay lang." Sagot ko na lang.
"Sheleen nung unang kita ko sa kanya friends pa lang kayo. Nandito siya sa baba ng dorm natin noon diba? Pero mas na-confirm talaga kanina na yon nga." Sabi niya at kiniliti pa ako sa baywang.
"Tulog na tayo." Niyaya ko na ito. Nagpray naman ako bago matulog kaya maayos na akong natulog.
Tunog ng alarm clock ang tanging narinig ko ngayong umaga. Alas-singko palang ay naligo na ako. Nag bihis na akong uniform halos mga isang oras na nang mapag-desisyonan ko nang pumasok.
"Ate Nene, pasok na po ako." Nagpaalam ako dito habang nag-iistretch ito ng katawan.
"May training tayo mamaya." Bigkas nito. Napanhiti nalang ako dahil gusto ko na ulit maglaro ng volleyball.
"Sige po."
Nakangiti akong bumaba sa dorm ko. Nang makalabas ako ay hinahanap ng mata ko si Gio at ang kotse niya, pero wala siya dito. Nasaan na ba siya?
Dahil naisip kong hindi na ako nito ihahatid ay nagpasya na akong mag-abang nalang ng jeep. Ngunit napaatras ako ng may kotse na bumusina sa akin. Medyo hindi ito pamilyar, ngunit ng maibaba nito ang bintana ay nakita ko ang mga pinsan ni Gio.
"Ate Sheleen, tara na!" Tawag ni Bana sa akin na nasa backseat.
"Tara dito ka Sheleen sa gitna katabi ni Gio." Pagyaya ni Sheena sa akin.
"Sheleen, sensya na nalate ako ahhh... Kasi yung mga to inaya akong magjogging eh." Pag-eexplain ni Gio.
"Okay lang." Sagot ko naman na nagpakalma sa kanya.
"Tara." Aya na nito sa akin
Lumapit na ako dito. Pinagbuksan lang ako ni Gio ng pinto. Napapagitnaan namin ni Kyo si Gio bali apat kami dito kasi si Jodell nasa pinakagilid.
"Ayos innova mo, Aki." Wika sa likod ni Sheena.
"Ako pa." Maangas na sagot ni Aki. Katabi nito ang bago niya ulit na babae.
Tahimik nila akong naihatid. Ngunit ang ikinagulat ko ay sumama si Gio sa pagbaba.
"Ingat ka ah....sunduin kita mamaya." Sabi ni Gio sa akin habang tinitingnan lang ako nang nakangiti.
"Gio, may training kami mamaya." Ininform ko siya.
"Ahhh...ganon ba sige punta na lang ako doon. Nandon naman si Bana."
"Sige, sakay ka na ulit. Iniintay ka nila." Wika ko sa paraang maliit ang boses.
"Okay, bye." Pagkasabi niya nito ay naka-nguso ito. Napatawa na lang ako sa ginawa niya.
Pumasok ako ulit sa first class ko. Gaya ng dati habang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga tsismisan nila. Ano bang problema?
"Sheleen, kelan tayo gagawa ng thesis?" Tanong ni Keith sa akin.
"May training kasi kami mamaya baka pwedeng bukas." Sabi ko dito. Tumango naman ito ang ngumiti sa akin na wala nanamang mga mata.
Pumunta na ako sa gym at hindi naman ako nabigo, dahil nandoon na si Ate Nene at sila Gail. Nag-to-toss na ang mga ito ng bola.
"Sheleen." Tawag sa akin ni Coach Snead. "Training na."
"Opo."
Agad naman akong nagbihis ng pang-laro. Nang lumabas ako ay nakita kong marami ng tao. Ano ba to? Semi-finals na ba?
BINABASA MO ANG
Journey To The Right Path
SpiritualOur journey wouldn't be easy, but striving it will always give us fruitful and a worth fight.