This part is dedicated to S_Tolentino.
"Hey, Gio, Rafael?" Pag-agaw ko sa mga atensyon nila.
"Sheleen, siya ba iyon?" Nagtanong na si Gio sa akin.
"Oo."
"Sheleen, boyfriend mo na pala pinsan ko. Kaya pala hindi mo na ako pinayagang ligawan ka eh." Ngumiti naman sa akin si Rafael ng nakakaloko.
"Bumalik na tayo sa loob." Aya ko pa sa kanila.
"Let's go." Makulit na sabi sa amin ni Rafael.
Bumalik na kami sa mga upuan namin. Tumabi naman sa akin si Rafael. Kumain lang kami hanggang sa nagkakwentuhan na nga kami.
"Sheleen, malapit na October praise sa linggo na iyon ah?" Pagkausap ulit sa akin ni Rafael.
"Oo nga eh."
"Sasama mo ba siya?" Nginuso naman niya si Gio.
"Sasama ko siya." Sagot ko.
"Sheleen, hatid na kita." Nagprisinta naman si Rafael.
"Si Gio nalang."
"Okay, pero gusto ko sanang makita dorm mo." Ngumiti naman siya sa akin.
"Hey, nakapunta ka na doon dati diba?"
"Oo nga, sige na boyfriend mo na lang maghahatid sayo." Tumawa pa siya.
"Sheleen, tara na." Nagsalita naman na si Gio. Ngumiti lang ako at nagpaalam na ako sa kanila.
"Wait!" Napatigil naman kami ni Gio ng tawagin kami ng mommy niya. "Picture muna."
Bumalik kami para makijoin sa picture. Nang matapos an ang picturan ay umalis na kami ni Gio.
"Sheleen, sandali lang ibibigay ko muna yung boquet kay mommy."
Kinuha niya na ang bulaklak at hinalikan ang mommy niya. Nang makabalik na siya ay pumasok na kami sa kotse.
"Sheleen, galit ka ba?" Tanong ni Gio.
"Hindi, bakit? May dapat ba akong ikagalit?" Tanong ko naman sa kanya.
Pinaandar niya na ang kotse niya. Tahimik niya akong naihatid sa dorm ko. Bumaba na ako ng kotse at nagulat ako ng bumaba din siya.
"Sheleen!" Nagulat ako ng isinigaw niya ang pangalan ko.
"Hey, Gio ang ingay mo."
Lumapit ito sa akin at hinawi ang buhok malapit sa tenga ko. Hinawakan ko ang kamay niya at napansin kong may inilagay siya dito.
"Flower?" Ani ko.
"Yes." Lumayo siya at saka tinignan ako. "Your so pretty, baby." Ngiti niya pa sa akin.
Dahil sa ginawa niya parang may kumikiliti sa tiyan ko. Kinikilig ata ako.
"Gio." Ngumiti ako sa kanya.
"Yes? Hindi ka na galit sa akin?" Ngiti niya sa akin.
"Hindi naman kasi ako galit." Sabi ko sa kanya.
"Weh?" He laugh.
"Kakainis ka. Alis na nga ako." Tumalikod ako, pero hinila niya ulit ang braso ko at iniharap niya ang katawan ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Journey To The Right Path
SpiritualOur journey wouldn't be easy, but striving it will always give us fruitful and a worth fight.