06 - Pedia

942 25 0
                                    

Mark's POV

About 3 weeks na kami sa Pedia. Nakapag-adjust naman na kami. Mababait naman din ang residents namin so it's easy to work with them.

I'm assigned sa wards now. Tapos na ko sa PICU at Rooming In. To be honest wala naman kami masyado ginagawa. Just the usual skills, paperworks and monitoring. And the nurses here are very skilled din so di nila need masyado ng help namin.

I'm actually from duty right now. Medyo toxic pa rin kami kagabi kaya wala ako masyadong tulog. Even si Nicole at Tim. Si Tim ang kawawa this week kasi ER ang post niya. So andun pa rin siya ngayon. Si Nicz naman nasa NICU na. Medyo toxic din dun kasi madaming blood extraction e syempre maliliit pa ang veins ng newborns. Swerte ang ward post pag from duty. Usually kasi sa umaga magrarounds pa lang ang residents tapos mag-oorder. So sa hapon na yung mga ikecarry out, e by then nakauwi na ang from.

Nakaidlip na ko kakahintay ng gagawin pero nagising ako uli nung tumunog yung phone ko.

Nakaidlip na ko kakahintay ng gagawin pero nagising ako uli nung tumunog yung phone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pumunta ako agad sa NICU after magpaalam sa resident ko. Nagmamadali ako kasi parang maiiyak na si Nicz nung tumawag siya. Di niya naexplain kung ano nangyayari, basta naririnig ko umiiyak yung babies tapos nagtanong siya if pwede ba akong pumunta dun. Di ko alam kung nasan yung resident dun, pero kung ako ang tinawag ni Nicz, siguro umalis. Baka may for CS at nagcatch sa OR.

Pagdating ko sa NICU nag-iiyakan pa rin ang mga babies. Nakita naman ako kagad ni Nicz, may buhat siyang baby.

"Mark!"

"What happened?" I asked calmly, kasi mukhang nagpapanic na siya.

"Sabay sabay kasi silang umiiyak, di ko mapatahan. Last time na ganyan sila may baby na namatay. Parang nagraramdaman nila." Sabi naman niya at napansin ko naluluha na siya.

Lumapit naman ako sa kanya and tried to soothe her by caressing her back.

"Shhh. Baka hindi naman. Baka nagkakahawaan lang iyak. Syempre pag maingay yung isa, magigising yung iba." Sabi ko naman.

Kinuha ko yung baby sa kanya tapos tinry ko patahanin. Tumigil din naman. Medyo kalma na si Nicz ngayon and kumuha pa siya ng ibang baby para patahanin. Isa isa naman namin sila napatigil umiyak.

Umupo si Nicz sa may bench nung tahimik na sa NICU. Tumabi naman ako sa kanya.

"You're a softie." I told her.

"Alam ko." Sabi naman niya with a sigh. "Mahilig ako sa bata at animals, ayoko nang nakakasakit or may nakikitang nasasaktan. Madali ako maattach. Kaya sabi ng iba kong relatives ko, wag ako magdoktor kasi mahihirapan ako."

"But that makes you a compassionate doctor. Oo, medyo mahihirapan ka. Masasaktan ka, pero I think you'll give your patients the best service." Sabi ko naman.

Sa wakas ngumiti na siya.

"Thanks, Mark."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon