52 - Last Hurrah 🙈

1.7K 16 2
                                    

Nicz's POV

We went straight home then ate dinner. Bukas naman pupunta pa rin kami ng hospital since may make ups pa kami. Ako may 8 hours duty pa sa Pedia, si Mark naman may 8 hours din sa OB. Tapos kinabukasn ng 10AM naman yung flight namin pa-Manila so may oras pa kami mag-ayos mamaya.

Yun na yung kinuha naming flight para mabilis na rin naming ma-settle yung mga kaylangan ayusin. Need pa rin namin kasi bumalik para naman maka-review para sa revalida namin--yun yung kumbaga exit exam sa medicine. Kahit anong topic from first year to fourth year pwedeng tanungin. May written and oral exam tapos may OSCE--yung practical exam. Next week na start ng exams so may less than 1 week kami sa Manila to settle things.

--

Maaga kaming pumasok ni Mark kinabukasan. Ang aim kasi e mag-start na kami ng maaga para maaga na rin matapos. (Pwede kasi mag-start ng make up anytime. Basta maubos yung utang mo na hours.)

Naghiwalay naman na kami ni Mark sa tapat ng OB dept. Yung Pedia kasi sa second floor pa.

Pero pagdating ko sa Pedia, meron nang familiar face dun.

"Oi, Nicz!" Bati naman ni Tim.

"May make up ka din?" Tanong ko naman as I approached him.

"Nakalimutan mo na? 3 days akong nag-absent, remember?"

"Ay oo nga pala. So ilan ang make ups mo?" Tanong ko naman.

"Dapat times 3 pero ginawa na lang ni Doc Marshelle na one is to one. So bale 48 hours lahat." Sabi naman niya. "Ikaw ba?"

"8 hours. Nung nag-absent ako nung may sakit ako."

"Ngek. Aalis ka din agad ng 4PM." Reklamo naman ni Tim.

Nag-shrug na lang ako, trying not to laugh.

"Nako nakuha mo na yang mannerism ni Mark." Sabi naman ni Tim.

Maya-maya lang dumating na si Doc Marshelle at sinabihan naman kami na sa ER na lang kami tumulong.

Pagdating namin dun, parehas naman kaming natuwa kasi mukhang si Doc Aya ang duty ngayon at ang ER resident. So parang dati lang. Kulang na lang si Mark. May mga bagong clerks na rin na andun though, so medyo marami kaming doktor dito. So I think di naman na kami masyado mapapagod ni Tim unless maging super toxic.

"Doc!" Tawag ko naman.

Etong si Doc Aya naman bigla kaming hinila at niyakap. Natawa na lang ako.

"Hoy! Bumalik kayo! Ilang hours kayo?" Tanong naman ni Doc.

"8 hours po ako, Doc." Sabi ko naman.

"48, Doc. Wala bang tawad?" Tanong naman bigla ni Tim. Natawa ako lalo.

"O sige, sige. tapusin mo lang yung 24 hours mo tapos pipirmahan ko na yung form mo." Sabi naman bigla ni Doc Aya.

Nagulat naman si Tim. Di ata niya in-expect na pagbibigyan siya. Pero gets ko din. Di naman na kasi talaga nila kami need since may new clerks na. And need din ng new clerks na matuto so mas maganda if ma-experience nila yung ER na di nagde-depend sa amin. Di na din namin need since tapos na kami.

"Yey! Gusto mo Magnum, Doc??" Sabi ni naman ni Tim. Natawa naman si Doc.

"Sige sige. Yung almond vanilla." Sabi naman ni Doc. "Sayang wala si Mark."

"Nako, Doc, 'wag ka manghinayang. Dahil wala siya, sure ako makakatulog tayo mamaya." Sabi naman ni Tim. "Balik kami, Doc!"

And hinila na niya ako for our usual ice cream.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon