Nicz's POV
Parang ang bilis dumaan ng dalawang buwan, pero at the same time, parang prolonged as stay namin dito sa Surgery. Ang dami kasing nangyari.
I mean, before Surgery nga, wala pa akong boyfriend.
Pero kahit ganun, parang di pa rin ako ready mag-goodbye. Dito ata ako pinakanag-enjoy na rotation, I guess mostly kasi naging kaclose ko talaga mga seniors ko at nafeel ko talaga pagiging doktor, na ako mismo nagmamanage sa patients na assigned sa akin. Dito din ako nakapagtry mag-OR as main surgeon under supervision and clerk pa lang ako.
Tapos ang next rotation pa kasi namin ay IM. Maliban sa sinasabi ng lahat na sobrang toxic dun, yun din ang weakest subject ko. Dun ako bumagsak e. Di ko alam kung kakayanin ko yung next rotation.
Pagdating ko sa hospital, dating gawi muna. Nag-COD kami tapos nagrounds as a team in preparation for the morning rounds with Doc Rusty. Grabe, last ko na to.
Thankful pa talaga ako na duty kami ngayong last day kasi bukas ko pa need maggoodbye kayla Doc.
Nagulat naman ako nung after namin magrounds with Doc Ed at bumalik na kami sa nurse's station, biglang dumating si Hannah at Kriz na parehas na mukhang galit.
Natakot naman ako na baka nag-away nanaman sila. Kasunod nila si Doc Luc, yung isa pa naming second year.
Dumaan lang yung dalawa at hindi tumingin sa amin tapos mukhang papunta ng pantry.
Napakamot naman si Doc Luc ng ulo.
"Ano pong nangyari, Doc?" Tanong naman ni Tim na andun na sa nurse's station pagdating namin.
"E, medyo nakasagutan ni Hannah yung ortho resident." Sabi naman ni Doc Luc. "Tapos nung nagkakainitan na sumali na rin sa argument si Kriz. Di ko naman sila masisi kasi sa totoo lang si Doc Mond din talaga yung panget yung tono. Pero sige, kakausapin ko na lang yung dalawa, pati si Raymond."
"Wow, ang grupo niyo." Sabi naman ni Doc Ed pag-alis ni Doc Luc. "Parang lahat kayo may nakaaway?"
"Hoy, grabe siya." Sabi naman ni Freia. Natawa naman ako.
"Seryoso." Sabi naman ni Doc Ed. "Ikaw at si Nicz, si Nicz at si Mark, si Hannah at si Kriz, silang dalawa versus Doc Raymond, tapos si Ara, consultant pa kaaway." I know he meant Doc Raffy.
"Basta, di ako kasama diyan." Sabi naman ni Tim.
"Inaway mo kaya ako." Bigla namang sabi ni Mark.
"Huh? Kaylan naman yun?" Tanong ko naman.
Natawa naman si Doc Ed. "Nung nag-away kayo. Pinagalitan ni Tim si Mark."
Natawa naman si Freia. "Wow, mukhang si Ericka pa ang walang nakaaway."
Maya-maya din naman, bumalik na yung dalawa. Halatang wala pa rin sila sa mood pero syempre di naman nila pwede hindi attend-an ang morning rounds.
After naman ng rounds, nagpunta na kami sa conference room since may M&M ngayon. Sakto din kasi after nito, dadating na yung food na inorder naming group.
Kahapon nagpunta kami ni Ate Ara sa Jollibee at nag-order ng lunch lang naman para sa Surgery dept. As our thanks na rin sa 2 months stay namin dito.
As usual, kalahati sa amin tulog habang nagkoconfe. Natawa pa ko kay Doc Chard kasi tinuturo ng consultant si Freia na tulog sa tabi ko at sinasabi na gisingin pero naririnig ko si Doc Chard na sinasabi na gising naman at nakadilat (kahit hindi).
After ng conference, nagsialisan na din ang consultants, except for Doc Raffy since alam niyang may pakain kami (kasama naman siya sa bilang). Aalis na rin dapat yung residents pero pinigilan sila ni Doc Raffy mismo at sinabing may hinanda nga kami.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romantikmedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...