Mas maaga ako sinundo ni Mark today kasi nga bibili pa kami ng cake. Di ko alam kung anong meron pero parang andyan nanaman yung awkward air? Yung pakiramdam dati nung di pa siya nagtatapat.
Tahimik lang kami pumunta dun sa bakeshop at pagdating namin dun, andun na si Freia.
"Hi Frei." Greet ko naman.
"Oy, andito na kayo." Sabi naman ni Freia. "Tumingin-tingin na ko ng cakes. Mark, ano bang flavor gusto ni Doc Tina?"
"Red velvet." Sabi naman agad ni Mark. Syempre alam niya. Ano pa bang inexpect ko?
"Uhm." Sinabi naman niya na parang di alam ang sasabihin. "Nicz, ikaw anong favorite flavor mo?" Tinanong naman niya bigla.
"Ah, mocha." Sabi ko na lang.
"Bakit, bibilhan mo din ba si Nicz?" Tanong naman ni Freia kay Mark nang nagtataka.
"Ah, hindi. Curious lang." Sabi naman ni Mark.
"Pero, Niknik, kelan nga ba birthday mo? Di ko pa alam." Sabi naman ni Freia.
"February 14." Napatingin naman ako kay Mark. Nagulat ako dahil siya ang sumagot. Alam niya pala?
"Teka, nasabi ko na ba?" Tanong ko naman.
Umiling naman siya. "Nung nag-enroll ka for clerkship ako yung nasa likod mo. Nakita ko lang nung nagfill up ka ng form. Madaling maalala kasi Valentines."
Ay teka, di ko maalala. Siya pala yung nasa likod ko?
"Valentines baby ka pala! Parehas kayo ni Charles." Sabi naman ni Freia. Natahimik naman ako dun.
Pumili na kami ng cake at binili na yun. Then bumyahe na rin papuntang hospital. Duty kami ngayon so dapat andun na kami by 7am para sa endorsement.
Pagdating namin, energetic namang bumati si Tim. Mukhang nakatulog sila at ang daming energy. Kinuha ni Tim yung cake at nilagay muna sa ref ng nurses sa pantry. Tapos nun, nag-endorse na kami.
Mabilisan lang as usual, and tapos na kami by 7:30. Usually after ng endorsement, tumatambay na lang kami dun sa room na pinagamit sa amin pero today, nag-imbita naman si Tim na mag-7Eleven.
Susunod na sana ako sa kanila nung naramdaman kong may humawak sa wrist ko. Pagtingin ko, si Mark pala.
Medyo malayo na yung iba and I don't think napansin nila na naiwan na kami.
"Ano yun, Mark?" Tanong ko naman.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...