"Di nagplane sila Kuya Landon mo? Manila din sila di ba?" Tinanong ko naman si Mark nung pababa na kami. Usually kasi umaga hanggang tanghali lang ang mga flights papunta dito.
"Ah, nag-plane sila. Pero everytime talaga na umuuwi sila dito, dinadaanan muna nila yung best friend ni Ate Cza. Sa Naga kasi yun nakatira. So laging mga ganitong oras sila dadating, galing dun." Pag-explain naman ni Mark.
Nag-nod naman ako. Kaya pala.
"Nicz, medyo maloko yang si Kuya Don ha." Sabi naman niya right before lumabas kami sa lanai so di na ko nakapagtanong kung anong ibig sabihin niya.
Andun yung buong family niya, pati yung new faces that I assumed is Mark's Kuya Landon and his family.
"Ayan na sila." Sabi ng Kuya Martin ni Mark.
Nagtinginan naman lahat sa amin at medyo napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mark. He squished it back.
"Finally. So eto pala si Nicole." Sabi naman ng isa pang kuya ni Mark.
Dahil biglang sa akin yung focus, sinabi ko na lang, "Uhm, hello po."
Nakita ko naman na pasimpleng kinurot ng asawa niya si Kuya Landon.
"Hi!" Sabi niya naman sa'kin nang may malaking ngiti. Lumapit siya tapos bumeso sa'kin then kay Mark.
"Nako, sabi ko na malamang doktora ang magiging girlfriend nito ni Mark e." Sabi naman niya.
"Leo, come here and say hello." Tawag naman niya bigla.
Dun ko lang napansin na may nakaupo pa lang batang lalake sa tabi ni Tita Ella. Sobrang puti niya tapos medyo long hair. Mukha siyang manika. Hawig sila ni Ton, kulot lang si Ton.
Lumapit naman si Leo at paglapit niya, binuhat siya ni Kuya Landon tapos nilapit kay Mark. Hinarap naman ni Leo yun pisngi niya kay Mark at nag-kiss si Mark. Ganun din ginawa niya sa kin so ginaya ko na rin lang si Mark.
"Ayaw niyang kumi-kiss." Sabi naman sakin ni Mark ng natatawa. "Dapat siya ang kini-kiss."
"Tara?" Sabi naman ni Tito Lando at nagsitayuan naman na.
"Sabay ako kay Tito Mark!" Tawag naman kagad ni Gab.
"Ako din!" Sabi naman ni Ton.
Natawa naman si Mark. "Okay, okay, let's go." Sabi naman niya.
"So sa inyo na lang kami sasabay, Mart." Sabi naman ni Tito Lando kay Kuya Martin. "Ayoko na dalhin yung kotse. Di naman kaylangang dala natin lahat."
Pumunta naman na kami sa mga kotse nun. Oo nga, ngayon ko napansin na madaming naka-park na kotse dito kayla Mark ngayon. May sariling kotse silang magkakapatid, tapos meron din si Tito Lando.
Nauna pang sumakay sa'min yung dalawang bata dun sa likod ng kotse ni Mark. Halatang gustong gusto siya ng mga pamangkin niya, nakakatuwa.
Pagkasakay namin, sinabihan naman kagad ni Mark yung dalawa na mag-seatbelt, tapos nistart na rin niya yung makina.
"Tito, totoo ba na sa amin ka na titira?" Si Ton naman yung nagtanong this time.
"Not sure pa e." Sabi naman ni Mark. "Medyo malayo pa yung condo niyo sa hospital ko e. So baka kumuha ako ng dorm na mas malapit dun. Pero it still means lagi na ko makakabisita sa inyo, since sa Manila na ko." Sabi naman ni Mark.
Naalala ko nanaman. Naguilty naman ako. Di ko pa rin nasasabi kay Mark pero eto siya nagpaplano na. Magkalapit naman ang St. James at L. Olivar. So I guess kahit saan dun, baka kumuha pa rin naman ng dorm si Mark pero... pano ko ba sasabihin? Andito pa kami sa kanila. Gusto kong ienjoy muna ni Mark etong bakasyon namin.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...