Doc Yza:
Nicz's POV
Ready kami ngayon ni Freia. Nakuha na namin lahat ng vital signs ng mga to watch for na patients and naready na namin yung mga charts bago magstart yung round. I think medyo mas mabilis kami ngayon dahil mukhang ready din si Doc Yza at may sinasabi kagad na management per patient na nadadaanan namin.
Nung dumaan kami dun sa CHF patient, nagtanong uli sa akin si Doc Darice and nasagot ko naman yung sa history since nainterview ko na kanina yung patient kaso hindi pa ako nakakaaral masyado sa mismong disease since kanina ko lang nalaman. Buti na lang din talaga andun si Doc Yza.
"Darice, madami pang patients. Balikan niyo na lang yan ni Nicz after ng rounds. May orders naman na from ER. Need na lang ng progress note since kakadating pa lang naman ng patient. Sige na Nicz, receive mo muna." Sabi naman ni Doc Yza.
Medyo impatient talaga si Doc Yza. Nasabi din ni Kriz sa akin. Dapat daw mabilis siyang gumalaw kasi mabilis din gumalaw si Doc. Naiinis daw pag pinaghihintay.
Hindi naman na umimik si Doc Darice. Kinuha ko naman yung chart at naglagay na ng note. Medyo lost pa ko since di pa talaga ako marunong magsulat sa chart, pero niguide naman ako ni Doc Yza. Yung progress note yung usual lang na SOAP (Subjective, Objective, Assessment, Plan, pero yung Plan sa Order ilalagay), tapos sa Order maliban sa plan, sinabi niya na ilagay yung default na 'Received patient at the wards. History and PE reviewed and noted.' Tapos yung plan. Then nagturo pa siya even kung pano mag-admit sa ER. Sabi niya kabisaduhin ko lang yung ADMIT: Admit to which ward, Diet and Diagnostics, Monitoring, IV fluid, Therapeutics.
Pagdaan naman namin kay Mama Glo, as usual, binati niya ako with a smile. Talagang nakakagaan ng loob makita siya. Nakakalungkot lang kasi kaninang umaga nagdesat siya. So kasama siya sa to watch out for tonight. Sana lang maging okay na siya. Isa rin siyang CHF case e. At mag-dadalawang buwan na sila dito. Sabi nung anak niya nung start daw as in hindi siya makausap. Pero at least ngayon medyo malakas-lakas na siya. Kaya lang di pa talaga pwede i;discharge dahil hindi pa stable.
After ng rounds, nagsalita naman si Doc Darice.
"Nicz, yung mga errands ko ha. Itetext ko na lang." Sabi naman niya sa akin.
"Teka Darice, may mga iuutos na kasi ako kay Nicz. Baka pwedeng kay Freia mo na yan iutos?" Sabi naman ni Doc Yza.
"Teka, clerk ko si Nicz e." Sabi naman ni Doc Darice.
"Oo nga, pero wala akong clerk ngayon. Tapos si Kriz kay Nicz nag-endorse. Isa lang naman to watch out niyo tonight, yung CHF na lola. Okay na rin naman admissions niyo. Kung patients yan ni Kenji at Lui, kay Freia naman nag-endorse si Tim." Sabi naman ni Doc Yza.
Sumimangot sa kanya si Doc Darice pero di na nagsalita. Totoo din kasi lahat ng sinabi ni Doc Yza.
"Doc, pano si Freia?" Tanong ko naman. Ayoko namang matoxic masyado si Freia.
BINABASA MO ANG
Oxytocin (JaDine AU)
Romancemedical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship. Being a transferee and irregular student, she didn't have her own group of friends. So she just wrote down her name on the blank form of Te...