23 - Psych

825 17 0
                                    

Pagbaba ni Mama ng bus, dumerecho na ko sa kanya at yumakap. Sobrang namiss ko talaga siya. Seven months ko din siyang hindi nakita at first time ko na mapalayo sa kanila ng ganito katagal.

"Nako, ang baby ko." Sabi naman niya habang yakap-yakap pa din ako.

After a moment, nag-step back na ako. Sa totoo lang, medyo naluluha pa nga ako. Sobrang namiss ko talaga siya.

Naalala ko naman si Mark. Lumingon ako sa kanya at nag-gesture for him to move closer to us.

"Mama, si Mark po pala." Pakilala ko naman.

"Nice to meet you po." Sabi naman ni Mark. Halatang kinakabahan siya. Hinawakan ko naman siya sa braso, silently telling him to relax.

"Ah, Mark. Hello, ijo." Sabi naman ni Mama.

Alam naman na ni Mama yung about kay Mark. The day na nagtanong si Mark if pwede manligaw, sinabi ko na rin kay Mama agad.

Tumingin naman sa aming dalawa si Mama.

"Beh, galing pa ba kayong hospital?" Tanong niya.

"Opo." Sabi ko naman.

"Kumain na ba kayo?" Tanong naman niya.

"Di pa nga po." Sabi ko naman. Tumingin naman ako kay Mark. "Okay lang ba magbreakfast muna tayo?"

"Yeah, of course." Sabi naman niya.

Kinuha naman ni Mark yung mga gamit ni Mama at nilagay na sa kotse.

Habang busy si Mark, kinurot ba naman ako ni Mama sa tagiliran.

"Sinagot mo na ba?" Bulong niya.

"Ma, hindi pa." Sabi ko naman in the same volume.

"Hindi PA." Asar naman niya. "Halata namang gusto mo din siya. Ano pa bang hinihintay mo?" Tanong niya.

"Ikaw." Sabi ko naman, honestly. "Gusto ko mameet mo muna siya, at least. Saka gusto ko malaman opinion mo."

Napatigil naman si Mama at ngumiti sa akin. Parang may sasabihin pa siya pero bumalik na nun si Mark.

Since Goto King ang pinakamalapit na kainan, dun na kami pumunta. Along the way, nagtanong-tanong naman sa amin si Mama about our clerkship at kung kamusta naman kami sa hospital.

"Yung matching niyo ba, kamusta na?" Tanong niya.

"Ayun, naghihintay na kami. After January pa matatapos yung 1st round e. So after January pa namin malalaman if na-match kami sa binigay naming hospitals." Sabi ko naman.

"Ikaw ba Mark, san ka?" Tanong naman ni Mama.

"Ah, same po sa hospitals ni Nicz." Sabi naman ni Mark. Tumingin si Mama sa akin nun saglit.

"Sana nga mamatch na kayo ngayon para wala na kayong iniisip." Sabi naman niya.

Pagdating sa Goto King, pinaupo na kami ni Mark at siya na ang nag-order.

"Bakit kaylangan mo pa opinion ko?" Tanong naman bigla ni Mama na parang hindi naputol yung usapan namin kanina sa bus terminal.

"Syempre naman, Ma." Sabi ko naman.

"Ikaw naman makikipagrelasyon, hindi ako." Sabi naman niya pero nakangiti siya. "Pero sige. So far naman, mukhang mabait na bata. At in fairness gwapo ha. Magalang naman at mukhang malinis ang pakay dahil nagpakilala sa akin."

Nag-nod naman ako.

"Sinabi niya rin sa parents niya na nililigawan niya ako." Sinabi ko naman.

"Kilala ka na rin ng parents niya?" Tanong naman ni Mama. Di ko nakwento sa kanya yung part na yun. 😅

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon