39 - IM

1.3K 16 0
                                    

"From duty ka ba, Nicz?" Tanong naman ni Doc Rose as we sat down the confe table.

Ang tagal ko na ring di nakakapasok dito.

"Pre po, Doc." Sabi ko naman.

"Buti naman kasi magagalit ako kung from ka. Fresh na fresh ng itsura tapos ako etong duty pa lang pero ngarag na ngarag na." Sabi naman niya.

"So, ano yung gusto mong pag-usapan? Seems urgent." Sabi naman niya.

Uhm, pano ko ba to sisimulan?

She was looking at me as if trying to read me. And ayan nanaman yung blush ko, nararamdaman ko.

"Omg, Nicz, buntis ka ba??" Bigla naman niyang tinanong.

"Doc! Hindi!" Sabi ko naman kagad.

Napahawak naman siya sa dibdib at nagbuntong hininga.

"Okay. Pinakaba mo ko ha." Sabi naman niya. "Alam ko lang kasi na kayo na ni Mark dahil napag-uusapan ng ibang clerks. Tapos biglang magtetext ka na need mo kong makausap." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pinag-uusapan kami ng ibang clerks?

Well, marami naman din talagang friends si Mark. And kilala din ako ng lahat since ako yung tanging transferee 2nd sem of 3rd year.

"So ano nga yun?" She asked again.

Di ko talaga alam kung anong sasabihin.

She raised a brow at me. Tapos nanlaki nanaman yung mata.

"Omg, Nicz, first time??" She asked this time, now looking giddy.

I looked away but nodded. Ang init na talaga ng mukha ko.

"Kaya pala blooming ka! Yieeee!" Bigla namang nang-asar. Lalo tuloy akong di makatingin sa kanya.

"Hoy, Nicole, sabi mo kakausapin mo ko. Magsalita ka nga." Sabi naman niya. "So bakit ka nga nagpunta? You need advice? Wait, kaylan pala to? May contraceptives ba kayo?" She asked, thankfully looking serious now.

"Yun actually Doc yung gusto ko pag-usapan." Sabi ko naman. I still can't look at her directly. "Er, nagtake na ko ng levonogestrel kanina. Pero uhm, may maadvise pa po ba kayo?" I asked awkwardly.

"Wait muna Nicz, you took Plan B kanina. Pero kaylan nga ito nangyari?" She asked, without any teasing in her tone. At least doctor mode na si Doc.

"Kaninang madaling araw, Doc. Er, nangyari lang kasi." Sabi ko naman.

"Okay, tapos you took the pill naman kagad. Good. Now you want to start on pills?" She asked naman.

"Advisable po ba, Doc?" I asked.

"Well, yes, of course. Nangyari na once, imposibleng di maulit. Nasa edad na kayo tapos mukhang lagi pa kayong magkasama. Mas maganda na yung may vest ka na bago mabaril kesa naman yung pagkashoot saka mo itatry tanggalin yung bala di ba?" Bigla naman niyang sinabi.

"Doc!"

Natawa naman siya. "I'm just saying. Did you use protection?" She asked this time.

I shook my head. "Uhm, nadala lang talaga kami, I guess. We weren't really thinking."

Nag-nod naman siya.

"Pero may previous partner na ba siya? Or ikaw?" She asked naman.

I shook my head again.

"Well, likely safe naman. Pero mas okay pa rin na next time you use protection, okay? Meron na ba kayo?"

"Siguro bibili na lang po." Sabi ko naman.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon