16 - ENT

1K 23 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumunta naman na kami ni Ate Ara sa office ng ENT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumunta naman na kami ni Ate Ara sa office ng ENT. Sa ground floor lang siya, malapit sa office ng Surgery. Yung Optha naman nasa second floor.

Pagdating namin dun, may mga tao na. Yung secretary ng department tapos yung mga clerks from the other school. Makakasama kasi namin sila dito. Kaya rin dalawa lang ang ipagrorotate sa amin each department. Tatlo sila, isang babae tapos dalawang lalake. Umupo lang kami sa upuan at wala pa naman nag-iintroduce ng sarili.

Maya-maya lang dumating na yung isa sa magiging resident namin. Nagpakilala naman siya as Doc Dale, tapos in-orient na niya kami.

Bago lang pala ang ENT dito, so dalawa lang silang residents, and the rest are consultants. Sila lang naman daw mostly ang makakasama namin. Since dalawa lang sila, Duty and from duty status lang sila. Wala silang preduty. Meaning papasok sila halimbawa today, tapos bukas na uuwi. Then kinabukasan duty uli, papasok then the following day na uuwi.

Pero sabi naman niya, hindi naman toxic ang ENT. Kokonti lang ang patients na confined at puro referrals lang from other departments, so iba ang duty namin dito. Bale hahatiin lang kami sa 2 groups since 2 residents nga lang sila pero ang duty status naman namin is preduty and duty lang. Pag preduty kami, ang oras namin 7am-4pm. Pag duty naman, 7am-8pm, pero uuwi pa rin kami. Di kami 24 hours duty this time. Tapos pag preduty ng weekend, di na need pumasok.

Hinati naman niya kami. She made sure na magkahiwalay yung dalawang lalake (para may guy per team) at magkahalo yung 2 groups so ang magkagrupo ako at yung isang guy from the other school na Paul pala ang name. Tapos si Ate Ara with Jonathan and Vielka (ang cute ng name niya). Luckily, pre-duty naman kami ni Paul bukas at sila Ate Ara ang unang sasabak sa duty.

Inexplain din ni Doc Dale yung schedule namin. Mondays and Wednesdays ang scheduled ORs. Tuesdays and Thursdays nasa OPD naman kami. Fridays may grand rounds with consultants tapos weekends wala namang ganap unless may emergency OR.

Tuwing OPD days daw, lahat kami pupunta ng OPD since ENT cases are mostly outpatient naman. Dun madaming magdadatingan. Pag OR days at may OR, papapasukin din kami para maexpose kami. Pero pag wala, ward duty lang kami same sa Fridays and weekends. Then need lang namin pumunta sa ER ng surgery if may referral sila.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon