26 - Surgery

946 12 1
                                    


Naglunch kami malapit na mag-1 o'clock. Mabilisan lang. Then bumalik na rin kami ulit sa wards. Tinawag naman ako ni Doc Lyca at may pinakiusapan lang na kunin na form from the office.

Yung office, connected siya conference room. Usually dun kami pumapasok from the confe room to the office kasi parang backdoor siya. Patients and other employees ang pumapasok dun sa door malapit sa entrance ng hospital.

Kumatok ako sa office pero walang sumagot, so dahan-dahan ko na lang binuksan yung pinto. Mukhang wala namang tao so pumasok na 'ko. Hinanap ko naman yung form na kaylangan ni Doc Lyca.

Napangiti naman ako thinking about Doc Lyca. Ang cute kasi nila ni Doc Rusty, sa totoo lang. Goals lang.

Si Doc Rusty strikto kasi yan pero pag andyan si Doc Lyca, lumalambot. Biglang nagjojoke. Naalala ko one time, galit na galit siya during rounds (actually mostly dahil kay Doc Billy) tapos pinapagalitan niya na kami kasi may hindi kami nasagot na question. Thankfully, dumating si Doc Lyca. Nakita niya situation tapos sinabi niya bigla, "Hala anong nangyari? Lagot kayo!" Na parang bata.

Of course takot pa kami so we didn't dare react. Pero makikita mo change kay Doc Rusty. Na bigla siyang kumalma. Tapos di na siya nagalit after nun. Kaya lagi na kami nagdadasal ngayon na sana andyan si Doc Lyca whenever magrounds kami.

Si Doc Lyca para kasi naming nanay na. Especially ng team ko. I guess lumalabas din pagkamaternal niya since pregnant siya.

Actually, yung duty group namin parang family ang dynamics. Si Doc Lyca yung parang nanay. Si Doc Rusty ang tatay. Si Doc Mira yung panganay, sunod si Doc Chard tapos bunso si Doc Ed. (Tapos siguro kaming tatlo pets? haha).

Basta parang ganun sila, nakakatuwa sila mag-interact. Si Doc Lyca at Doc Mira, nickname kay Doc Ed "Eddie". Tapos madalas din magbangayan si Doc Mira and Doc Chard na para silang magkapatid. Si Doc Rusty naman laging ginaguide si Doc Ed (although strictly pa rin) kahit na iba ang duty group niya. I guess dahil "babies" kami ni Doc Lyca, ganun na rin kami sa kanya.

Nahanap ko naman na yung file and palabas na sana ako back sa conference room nung narinig kong may nag-uusap. Di ko napansin na may pumasok pala. Sa boses nila, narealize ko naman na yun yung seniors ng ibang groups, si Doc Jelly at Doc Bamby.

Napasimangot ako nung narealize ko na pinag-uusapan nanaman nila si Doc Lyca. Hindi magaganda yung sinasabi nila at hindi naman na bago ito. Pero nakakalungkot pa rin. Tumahimik na lang ako sa isang tabi at hinintay na umalis sila.

Si Doc Jelly, siya yung Assistant Chief Resident namin, senior siya nila Tim. Si Doc Bamby senior nila Kriz. Mabait naman sila sa amin. Actually, super close nga si Kriz kay Doc Bamby. Eto lang yung ayaw ko sa kanila.

From what Tim gathered and shared, medyo inis yung dalawa kasi biased daw si Doc Rusty kay Doc Lyca. Kasi duty si Doc Rusty pag from na si Doc Lyca.

Usually, among residents, lahat ng patients mo (yung in-admit mo ng duty mo), ikaw mag-o-OR kahit pa from ka na. Walang endorsement sa next duty. Pero si Doc Lyca and Doc Rusty kasi ginagawa yun. Pag from na si Doc Lyca, si Doc Rusty na mag-o-OR ng mga natitirang patients na di pa namin natapos.

I guess medyo unfair nga, pero kasi six months pregnant na si Doc Lyca. Ako nga natatakot na pag nag-o-OR siya kasi malaki na talaga bump niya and minsan nahihirapan na siya gumalaw ng maayos at makalapit ng maayos sa patient na ino-OR niya. Syempre di din naman siya pwede magpagod masyado. Kung ako si Doc Rusty malamang ganun din gagawin ko. Sana na lang iniintindi nila yun.

Isa pa daw na issue is mukhang plan ng consultants na si Doc Lyca ang gawing next na Chief instead of Doc Jelly. Pero hindi ko rin sila masisisi dun kasi sobrang talino ni Doc Lyca. Katunayan nakikita ko pa siya minsan na pasimpleng bumubulong kay Doc Rusty para icorrect siya tuwing rounds pag nagkakamali si Doc. Tapos magaling din siyang surgeon talaga kasi grabe kaya ba naman niya mag-OR ng walang assist at 6th month of pregnancy.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon