25 - Surgery

1K 21 0
                                    

First case namin, appendectomy. Acute appendicitis lang siya tapos walang co-morbids so very simple case.

"Nicz, gusto mo ikaw ang gumawa?" Tinanong naman ako bigla ni Doc Mira.

Nagulat ako. As in ako ang gagawa ng operation?

"Ako po, Doc?" I had to clarify.

Nag-nod naman siya. "Susupervise lang kita. Assist mo ako." Sabi naman niya.

Di ako nakapagsalita.

"Ilang beses ka naman na nakaassist sa AA e." Sabi naman niya. "Last time di ba pinahila ko na sayo yung appendix?"

Totoo yun. Simple case din that time tapos pinahawak ni Doc yung appendix then ako na ang pinahila palabas ng abdomen.

Nagnod ako.

"Simple lang naman. Ako bahala sayo." Sabi naman niya.

Habang naghihintay sa patient, sobrang kabado ako so inaral ko uli yung theoretical ng appendectomy.

Nung dumating na yung patient, I think nanginginig na ako. Sinabihan naman ako ni Doc na mag-scrub na.

Sobra yung kaba ko. Si Doc Mira pa mismo ang nag-prep e trabaho ko yun.

Parang ang bagal ng oras na ang bilis? Gusto kong matapos na siya kasi parang slowmo lahat but at the same time, parang ang bilis ng pangyayari kasi nagkacut na ako tapos hinahanap ko na yung appendix then nalabas ko na.

Derecho lang si Doc sa instruction at pagturo at fortunately, mukhang wala pa naman akong nagagawang mali.

Nakahinga lang ata ako nung natapos ko na magtahi ng skin. Pagtingin ko kay Doc Mira, nakangiti siya sa'kin.

"Very good." Sabi naman niya.

I felt relieved naman sa sinabi niya.

"Di ka ba talaga magsusurgery?" Tanong naman niya. Ilang beses na niya natanong sa'kin to, same ni Doc Ed.

"Ewan ko pa po talaga, Doc." Sinabi ko naman nang natatawa.

It took about over an hour for me, pero pag si Doc Mira ang gumawa, mga 15 minutes lang yun. But still, successful siya so masaya na ko. I think iilan rin lang na clerks ang pinapayagan mag-OR.

Parang nawala bigla yung stress ko sa araw na yun.

Paglabas ko ng OR room, andun sa OR pantry si Doc Ed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paglabas ko ng OR room, andun sa OR pantry si Doc Ed. Mukhang kakatapos lang din ng cholecystectomy nila ni Doc Lyca.

"Kamusta?" Tanong naman niya.

Di ko naman napigilang magkwento. Kasi sobrang saya ko talaga na nagawa ko yung appendectomy. Nakinig lang sa akin si Doc Ed. Then after ko magkwento, sinabi niya,

"Mabait talaga yan si Doc Mira. Swerte ko nga sila ni Doc Lyca ang seniors ko."

Nag-nod naman ako. Swerte talaga kami sa seniors namin.

Oxytocin (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon